ANUMANG araw mula ngayon ay magbubukas na sa publiko ang newly-rehabilitated Sta. Ana Hospital Dialysis Center na nagtataglay ng mga moderno at high-tech na kagamitan.
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing ang bagong dialysis center ay pangatlong dialysis center sa Maynila.
Una ay ang nasa Ospital ng Maynila habang ang ikalawa naman ay ang Siojo Dialysis Center na itinuturing na pinakamalaki sa Southeast Asia na nasa ilalim ng super-bisyon ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).
Anang alkalde, hindi gumastos ng kahit na na isang sentimo ang pamahalaang lungsod sa nasabing center dahil ang gastos dito na nagkakahalaga ng P20 milyon ay nagmula sa isang donor na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Ang bagong Sta. Ana Hospital dialysis center ay may 11 upuan na may anim na fresinus hemodialysis machines, high-end HD machines at dalawang makina na may portable reverse osmosis.
Idinagdag pa ng alkalde na ang center ay may negative pressure na kuwarto pa sa mga pasyente ng COVID-19 na kumpleto ng high efficiency particulate (HEPA) filter at portable reverse osmosis at 11 television sets na may wireless bluetooth headsets.
Pagdating sa mga kagamitan, sinabi ni Moreno na mayroon ding bagong ECG machine, defibrillator, suction machine, HEPA filter, ECart with medications, digital wheelchair weighing scale, computers at printers ang bagong dialysis center.
Ang nasabing center ay kayang tumanggap ng 12 pasyente kada araw mula Lunes hanggang Biyernes.Samantala, tanging emergency dialysis lamang ang tatanggapin tuwing Sabado at Linggo.
Ang operasyon ng center ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Shifting din ang oras na pagtatrabaho ng nurse dito.
Ang bagong center ay magsisilbi lamang sa may 26 na pasyente kada buwan at tatlong beses isang linggo pero kapag fully-maximized na ang center ay gagamitin na ang 11 dialysis machines kung saan kaya ng tumanggap ng 22 pasyente bilang kapasidad bawat araw o katumbas ng 66 na pasyente kada buwan.
Mayroon ding isolation rooms para sa mga dialysis patients na may COVID-19 habang panibagong dialysis unit ang ilalagay sa Intensive Care Unit.
Ang dialysis center ay matatagpuan sa ika-anim na palapag ng ospital.
Ang karaniwang bayad sa dialysis ay mula P2,200 hanggang P5,000 kada isang session at kailangang gawin ito ng tatlong beses isang linggo. VERLIN RUIZ
760304 513924Does your weblog have a contact page? Im having a tough time locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your weblog you may be interested in hearing. Either way, excellent web site and I look forward to seeing it expand over time. 550064
192197 40976I like your writing style truly loving this web site . 744039
541246 203619I adore your wp internet template, wherever would you obtain it through? 543178
377181 788958Was koche ich heute – diese Frage stellen sich tag fuer tag viele Menschen. Und wir haben tag fuer tag die perfeckte Antwort darauf! Besuchen Sie uns auf unserer Webseite und lassen Sie sich von uns beraten . Wir freuen uns auf Sie! 558149
480228 801874Thank you for your fantastic post! It has long been incredibly beneficial. I hope which you will proceed sharing your wisdom with us. 132054
748437 843755quite good post, i truly enjoy this internet internet site, keep on it 454425