DIALYSIS SA PGH SASAGUTIN NA NG PITMASTER FOUNDATION

MAGANDA balita sa mga mahihirap na sumasailalim sa dialysis treatment ngayon dahil ilang araw na lang ay magiging libre na rin ang hemodialysis sa Philippine General Hospital (PGH) para sa mga mahihirap na pasyente.

Ayon kay Pitmaster Foundation Inc., Executive Director Caroline Cruz, nakausap na nila ang mga opisyal ng PGH at nagpirmahan na ng memorandum of agreement (MOA) ang dalawang panig hinggil sa pagkakaloob ng libreng dialysis treatment para sa mga nangangailangang pasyente.

“Sa kasunduan namin ng PGH, sasagutin ng Pitmaster ang pagpapa-dialysis ng mga mahihirap na pasyente sa kanilang ospital,” ayon kay Cruz.

Sinabi ni Atty. Cruz, “napagkasunduan din namin ng PGH na babayaran ng aming foundation around P4,000 to P5,000 per patient bawat session.”

Ang PGH ay isa lamang sa mga government hospitals sa Metro Manila na may libreng dialysis na sinasagot ng Pitmaster ang hemodialysis treatment.

Ang sakit sa bato o kidney failure ang isa sa mga pangunahing sakit ng mga Pinoy, kasunod ng sakit sa puso at high blood pressure.

“Hindi lang sa Metro Manila ililibre namin ang dialysis ng mga mahihirap, pati na rin sa mga remote areas ng bansa within the next few months,” dagdag pa ni Atty. Cruz.

“Ito kasi ang vision ni Pitmaster Foundation Chairman Charlie Ang na gawing accessible ang dialysis treatment lalo na sa mahihirap saan mang sulok ng bansa,” ayon kay Cruz. PMRT

Comments are closed.