NAGNINGNING sina Nicola Queen Diamante at Andreana Isabel Mirandilla bilang top performers sa girls division sa 2nd Reunion Swim Challenge nitong Linggo sa Teofilo Ildefonso Olympic-sized pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Naging makulay ang kapaligiran kay Diamante nang kuminang sa kanyang pagsabak sa 11-taong gulang na kategorya matapos masungkit ng ipinagmamalaki ng RSS Dolphins ang gintong medalya sa Class A 100-m butterfly sa oras na 1:21.30; 100-m bacstroke (1:24.70); 100-m freestyle (1:11.00) at 200-m back (3:04.90).
Nadomina naman ni Mirandilla ng Sta. Rosa Laguna Swim team ang girls 9-years 50-meter backstroke (Class B sa oras na 53.50 segundo; 100-m backstroke (Class C) sa 2:07.60 at 100-m freestyle (Class C) sa torneo na inorganisa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) na pinamumunuan ni Batangas 1st District Congressman at swimming icon Eric Buhain.
“We’re very happy and proud as once again COPA delivered on our promise to give our homegrown swimmers a venue where they can show their talents and the opportunity for them to grow and develop not just their skills but character as well,” sabi ni Buhain.
Iginawad ni Tournament Director Richard Luna at COPA Treasurer Chito Rivera ang mga medalya at sertipiko sa lahat ng mga nanalo at kalahok sa two-daw event na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at MILO.
Sinabi ni Rivera na ang mga manlalangoy na nabigong manalo ng mga medalya dito ay may pagkakataong higit na maging mahusay sa susunod na kaganapan ng COPA – ang 1st Novice Swim Championship na itinakda sa Setyembre 17-18.
“‘Yung Novice Swim natin isasama natin dito ‘yung mga swimmers na hindi nakamedal dito. Dito may chance silang makabawi and mas madagdagan ‘yung exposure and experience nila. Training and tournaments, iyan ang kailangan ng atleta para tuloy-tuloy ‘yung development,” sabi. ni Rivera, varsity coach din ng Jose Rizal College sa NCAA.
0-Bukod sa Novice Swim Championship, itinakda ng COPA ang Reunion 3rd leg sa Oktubre 1-2; ang Reunion Swim Challenge Championship sa Oktubre 22-23; ang Sprint meet sa pagpapakilala ng SKINS Swim event (Nob. 12-13); at Short Course Yuletide Swimming Championship (Dis. 10-11).
Ang iba pang mga nakapag-uwi ng gintong medalya ay sina Kade Baluyot sa 10-yrs. old 100m free (Class B, 1:21.000; Rhian Chloe Pattugalan (Class C, 1:52.00); Jud Limosnero sa 12-year 100-m free (Class A, 1:12.20); Kisses Libat (Class B, 1:14.50); Claire Lim (Class C, 1:24.60); Patriz Arenas in 13-year ( Class B , 1:12.30);Anna Domenica Samson sa 9-yrs 50-m backstroke (Class C, 1:03.20); Briana Lim sa 12-yrs 200-m back (Class A, 3:09.30);
Janna Rysa Articulo (Class C, 3:28.50); Zidane Salting 13-yrs 200-m back (Clas A, 2:51.20); Danica May Aquino (Class B, 3:08.80); Micayla Syrene Chua (Class C, 3:22.30); Rose Charlize Bustos in 14-yrs 200-, back (Class A, 2:50.00); Mariz Capalar (Class B, 2:56.60); Krisha Apin sa 15-yrs. over 200-back (Class A, 2:40.90); Carmenrose Matabuena (Class B, 2:45.20); at Franceska Punzalan (Class C, 2:58.00).
EDWIN ROLLON