DIARRHEA OUTBREAK SA BAGUIO KONTROLADO NA

BAGUIO CITY- INIHAYAG ni Mayor Benjamin Magalong na tapos na ang diarrhea outbreak sa lalawigang ito.

“We are now experiencing the usual occurrences of disease in our population in the city of Baguio, meaning, ito na yung mga usual cases na nararamdaman natin,” ani Magalong sa isang press conference.

“We can now confidently say that we are already out of the woods. The outbreak is over,” dagdag ng alkalde.

Sinabi ni Magalong na ligtas na inumin ang supply ng tubig mula sa water district.
Gayunpaman, sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga serbisyo ng paghahatid ng tubig bilang potensyal na sanhi ng pagsiklab, aniya.

“I can confidently say na lahat nung klaseng test na ginawa natin sa water na supplied by the water district, it is…completely and absolutely safe. So in short, pwede ka nang uminom ng direkta sa gripo, ganoon ka-potable water natin,” aniya pa.

Nagbabala rin si Magalong sa publiko laban sa pag-inom ng tubig mula sa ibang pinagkukunan.

“Pag meron tangkeng dinadaanan yan ho, kelangan ng filtration dyan,” sinabi pa ni Magalong.

“We’ll be coming up with stringent measures and methodologies, parameters mas strikto ngayon para sigurado tayo na highly compliant sila sa health standards and sanitation.” pagtatapos ni Magalong. EVELYN GARCIA