HINDI makadadalo si Hidilyn Diaz sa PSA Awards Night sa Pebrero 26 kung saan pararangalan siya bilang PSA Athlete of the Year, kasama sina fellow Asian Games gold medallists Yuka Saso, women’s golf team at Margielyn Didal.
Si Diaz ay aalis sa Pebrero 17 patungong China, kasama si Chinese coach Kai Wen Gao, para sa dalawang bu-wang training.
“Kailangan kong mag-training sa China bilang paghahanda sa dalawang qualifying competitions para sa 2020 Tokyo Olympics na gagawin sa Nimbo (China) sa April at Bangkok (Thailand) sa September. Mahalaga at kailangang paghandaan ko dahil mabigat ang laban dito,” wika ni Diaz.
Ang training ay hindi lang para sa dalawang Olympics qualifying, kundi bilang paghahanda na rin sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Sinabi ni Diaz na kailangang sumabak siya sa qualifying competitions dahil iyon ang order ng International Weightlifting Federation.
“Back to zero ako. Umpisa ulit at kailangang kumuha ng maraming points. Lahat ng medallists sa nakaraang Olympics sa Brazil ay kailangang dumaan muli sa qualifying para masubukan at malaman ang kanilang competi-tiveness,” pahayag pa ni Diaz.
May 30 lifters ang lalahok sa qualifying kung saan sasabak ang 27-anyos sa 53 kilograms, ang timbang na kanyang dinomina sa Asian Weightlifting sa Thailand at sa Asian Indoor Games at Martial Arts sa Turkmenistan. CLYDE MARIANO
Comments are closed.