DIBORSIYO HAHARANGIN SA SENADO

DIVORCE

PINAALALAHANAN ni Senador Joel Villanueva na ang mandato ng gobyerno ay pahalagahan ang mamamayang Filipino tulad ng pagsasama ng mag-asawa na ang tungkulin ay pagkasunduin hindi ang paghiwalayin.

Ito ang naging pahayag ni Villanueva sa isinagawang interview sa Senado ukol sa kanyang reaksiyon sa pagsusulong ng diborsiyo sa bansa.

Inihalimbawa pa ni Villanueva ang nakasaad sa preamble sa Konstitusyon “ We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God “ na magpapatunay na hindi dapat na suwayin ang naaayon sa kautusan ng Diyos na hindi dapat na paghiwalayin ang mag-asawa.

Kasabay nito, nagpahayag din ang senador na kanyang haharangin ang pagsasa-legal ng diborsiyo kung saan hindi bahagi ng kultura ang diborsiyo sa relihiyon ng bansa.

Dagdag pa ni Villanueva, hindi dapat nakikialam ang gobyerno o maging daan para sa paghihiwalay ng mag asawa.

Payo pa ng senador, sa halip na isulong ang diborsiyo dapat na bumuo ng batas para maging parte ang gob­yerno sa solusyon at rekonsilasyon para maging buo ang isang pamilya. VICKY CERVALES

Comments are closed.