HINDI apektado ng gusot sa pagitan ng Udenna at Tier One Communications ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ang pagkakaroon ng third telecommunication sa bansa.
Ayon kay DICT Officer in Charge Eliseo Rio Jr., ang isyu ay kinasasangkutan lamang ng naturang mga kompanya at labas dito ang gobyerno.
Ang korte aniya ang dapat na magdesisyon sa isyu habang tanging ang Kongreso lamang ang maaaring bumawi sa franchise ng Mislatel.
Sakali aniyang magkagayon ay maaari namang pumasok sa consortium ang iba pang telco na may franchise.
“’Di siyempre Mislatel lang ang tatanggalin puwede namang pumasok ang ibang merong congressional franchise sa consortium na ‘yun, ang amin lang hinahabol dito ay ang commitment ng consortium, kung sino man ang gagamitin nilang telco basta magawa nila itong ikinomit nila sa bayan, tuloy tayo kasi para ito sa bayan, sa mga tao na magkaroon ng better service.” Pahayag ni Rio. DWIZ882
Comments are closed.