DICT NAKIKIPAG-UGNAYAN NA SA DEPED, CHED: FREE WI-FI SA SCHOOLS

WIFI

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa education agencies para sa pagkakaloob ng libreng wi-fi sa mga eskuwelahan habang naghahanda ang learning system ng bansa sa paglipat sa ‘new normal’ dulot ng COVID-19 crisis.

Ito ang ipinabatid sa 11th weekly report ni Presidente Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa report ng Pangulo, inatasan ng DICT ang regional offices nito na ma­kipag-ugnayan sa Department of Education (De-pEd) at Commission on Higher Education (CHED) para sa kagyat na pagpapatupad ng Free WiFi Internet Access Service.

Bukod sa mga ahensiya ng pamahalaan, ang DICT ay makikipag-ugnayan din sa state universities and colleges (SCUs) at iba pang educational institutions.

Ang paglalatag ng libreng wi-fi ay makatutulong sa mga eskuwelahan sa kanilang paglipat sa online o digital learning, sabi pa sa repory ng Pangulo.

Ang face-to-face classes ay ipinagbabawal para makaiwas ang mga estudyante at guro sa panganib ng pagkahawa sa CO­VID-19.

Nakikipag-usap na rin ang telecommunication companies sa  education agencies at mga eskuwelahan para tumulong sa pagpapatupad ng alternatibo sa in-person classes.

Ang mga klase sa basic education level ay pormal na magbubukas sa August 24.

Comments are closed.