SA NGAYON ay nananatili ang April 26 deadline para sa SIM card registration, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ginawa ng DICT ang pahayag makaraang humirit ang public telecommunications entities Globe, Smart, at DITO Telecommunications na palawigin ang registration period.
“With the 26 April 2023 registration deadline drawing near, we encourage everyone to register to promote the responsible use of SIMs and provide law enforcement agencies the necessary tools to crack down on perpetrators who use SIMs for their crimes, consistent with the declared policy of the law,” ayon sa ahensiya.
Pinaalalahanan din ng DICT ang publiko na ang non-registration ng SIM cards ay magreresulta sa deactivation ng mga ito.
“The DICT reiterates that the SIM Registration Act places primacy on the fundamental rights of Filipinos and is replete with safeguards to ensure the confidentiality and security of user data,” sabi pa ng ahensiya.
Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), lumilitaw na hanggang April 18, nasa 5,399,998 o 36.08 percent ang nakahistro para sa DITO; 32,224,277 o 37.15 percent sa Globe; at 36,558,127 o 55.14 percent para sa Smart para sa kabuuang 74,182,402.
Ayon sa NTC, ang registered users ay bumubuo sa 44.15 percent ng active mobile subscribers.
Ang Republic Act 11934 o ang Subscriber Identity Module Registration Act ay nilagdaan bilang batas ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. noong October 2022. PNA