DICT, NGCP, TRANSCO SIGN DEAL ON INTERNET CONNECTIVITY

DICT-NGCP=TRANSCo

PUMIRMA ng kasunduan kamakailan ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ang National Transmission Corporation (TransCo) para sa national broadband plan na makatutulong para tumaas ang internet connectivity sa buong bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, gagamitin ng DICT ang reserved optical fiber ng TransCo para mai-distribute ang connectivity mula Luzon hanggang  Mindanao gamit ang submarine cables na ilalatag ng Facebook mula US hanggang Asia.

Plano ng kasunduan na palawakin ang internet connectivity sa publikong lugar ng libre sa pagtatayo ng karagdagang  200,000 access points sa buong bansa sa 2022, sabi ni DICT Officer-In-Charge Eliseo Rio.

Pero sinabi niya na hindi sapat ang kasunduan lamang para matugunan ang lahat ng isyu na nakapaligid sa internet access ng bansa.

“Marami pang mga problema tayo na kaila­ngan pang i-address. This one will connect the connectivity of underserved and unserved. We are using the facility of the government to bring down the bandwidth from 2 cable landing stations to Mindanao,” ani Rio.

“The oversight committee, in charge of drafting the terms of reference for the entry of the third major telecommunications player in the country, are set to meet late Friday,” sabi niya.

Comments are closed.