INIHAYAG ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kamakailan na ang inisyatibo ng gobyerno para hamunin ang pagdodomina ng Globe at PLDT sa pagkakaroon ng ikatlong telecommunications player ay magpapatuloy.
Pinabulaanan ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr. ang mga inaangkin ng civil society group Democracy.Net.PH co-founder na si Pierre Tita Galla na ang inisyatibo para sa ikatlong telco ay “patay” na.
Sa kanyang Facebook post, hindi naman nagbigay si Galla na pinagkunan ng kanyang claim. Nag-post lamang siya sa comments section na dapat i-release ng oversight committee na namamahala sa selection ng third telco player ang minutes ng kanilang meeting.
“There was an oversight committee meeting held yesterday, and the third telco [initiative] ay tuloy pa rin,” pahayag ni Rio sa isang panayam.
Noong April 6, lumikha si President Duterte ng oversight committee na mangangasiwa ng pagpasok ng third telco at tutulong sa National Telecommunications Commission sa paggawa ng pormulasyon ng Terms of Reference (TOR) for the selection at assignment ng radio frequencies ng ikatlong telco player.
Ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa DICT, Department of Finance, Office of the Executive Secretary, and National Security Adviser. Ang kinatawan ng DICT ay siyang uupong chairperson, kasama ang kinatawan ng DOF bilang vice-chairperson.
Ngunit, inamin ng hepe ng DICT na magkakaroon ng delay sa drafting ng guidelines o terms of reference para sa pagpili ng ikatlong telco player.
Una rito, sinabi ng ahensiya ang pagpapanalo ng ikatlong telco ay pangangalanan bago matapos ang taon o kaya ay sa buwan ng Setyembre “the best case scenario.”
Hindi na nagbigay si Rio ng iba pang detalye ng pinag-usapan sa oversight committee meeting.
Dahilan sa ang industriya ay kinokonsidera ang dalawang may monopolya ng magkaribal na PLDT at Globe, nagkaroon ng panawagan na galing mismo kay President Duterte at ang publiko para sa ikatlong telco player para maitaas ang kalidad ng serbisyo habang ibinababa ang presyo nito sa mga consumer.
Comments are closed.