DIDAL DUMIKIT SA OLYMPICS

Margielyn Didal

LUMAPIT si Margielyn Didal ng isang hakbang sa pagsikwat ng ticket sa Tokyo Olympics.

Si Didal ay pumasok sa semifinals ng 2021 Street Skateboarding World Championships sa Rome noong Miyerkoles.

Ang 22-anyos na skateboarder, na kasalukuyang ranked no. 13 sa mundo, ay mapapalaban sa 26 iba pang semifinalists, sa pangunguna ng ilang elite skateboarders, kabilang sina world no. 12 Yumeka Oda, no. 3 Momiji Nishiya, at no. 8 Roos Zwetsloot.

Gaganapin ang semifinals sa Biyernes, na susundan ng finals showdown sa Linggo.

20 slots lamang para sa  Summer Games ang nakataya kung saan tatlo ang magmumula sa torneong ito habang ang 16 iba pang puwesto ay madedetermina sa pamamagitan ng  Olympic World Skateboarding Rankings (OWSR). Ang host Japan ay may automatic berth.

Si Didal ay nagwagi ng gold medal para sa women’s street sa 2018 Asian Games at sa 2019 Southeast Asian Games.

Itinanghal din siyang Women’s Asia Skater of the Year for 2020.

Comments are closed.