HINDI lang paboritong manalo sa Southeast Asian Games kundi malaki rin ang pag-asa ni Asian Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal na makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics at makasama sina gymnast Carlos Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.
“Didal is currently ranked No. 13. She has to remain within the Magic 20,” sabi ni Skateboarding and Roller of the Philippines president Monty Mendegoria sa eksklusibong panayam ng PILIPINO Mirror.
“Didal has to keep her ranking to compete in Tokyo. She has to figure prominently in three more qualifying competitions to make it to the Olympics for the first time in her career,” wika ni Mendegoria.
Si Didal ay kasalukuyang nasa Brazil at nakikipagbuno sa mga sikat na skateboarders sa mundo.
Kamakailan ay nanalo si Didal sa dalawang torneo sa Estados Unidos – ang Exposure Open 2019 sa Huntington Beach sa California at ang 11th Annual Ladies Day at The Berrics sa Los Angeles.
“Malaki ang pag-asa natin na manalo sa Olympics kung magku-qualify si Didal,” ani Mendegoria.
Bukod kay Didal, malaki rin ang tsansa ni Brazil Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na makapasok sa 2020 Olympics. Si Diaz ay nasa top eight sa kanyang division at kailangang mapanatili niya ang kanyang ranking sa huling tatlong qualifying. CLYDE MARIANO
Comments are closed.