Didal nominado bilang ‘Asia Skater of the Year’ sa Asia Skateboarding Awards

KANDIDATO si Filipina skateboarder Margielyn Didal para sa titulong ‘Asia Skater of the Year’ sa Asia Skateboarding Awards 2020.

Inanunsiyo ng Olympic hopeful, na gold medalist din sa Southeast Asian Games at Asian Games, ang magandang balita sa social media.

Ibinahagi ang larawan ng kanyang nominasyon sa Instagram, isinulat niya na, “Thank you all. Let’s go and let’s get it.”

Mag-uuwi si Didal ng USD 1,500 or P72,000 kapag nakuha niya ang award.

Kabilang sa 25 most influential teens ng TIME Magazine noong 2018, si Didal ay inaasahang kakatawanin ang bansa sa Tokyo 2020 Games kung saan lalaruin ang skateboarding sa unang pagkakataon.

Bukod sa ‘Asia Skater of the Year’ award, igagawad din sa Asia Skateboarding Awards 2020 ang ‘Asia Rookie of the Year,’ ‘Trick of the Year’ at ‘Hidden Gem’ awards.

Comments are closed.