DIDAL PASOK NA SA OLYMPICS

Margielyn Didal

PASOK na si Filipino skater Margielyn Didal sa Tokyo Olympics, ayon sa Skateboarding Association of the Philippines (SAP).

Bagaman nabigong makapasok sa finals ng 2021 World Street Skateboarding Championships sa Rome, Italy, si Didal ay nakasisiguro na ng puwesto sa Tokyo Olympics via world rankings.

Ang anunsiyo ay ginawa ng SAP bago ang pagtatapos ng Rome finals, kung kailan ihahayag ang mga nagkuwalipikang skater.

“The official announcement of qualified skaters will only be released after the World Championships Finals in Rome, but Skate Pilipinas would like to be the first to announce that our very own @margielyndidal has earned a slot for the Tokyo Olympics. Congratulations Margie! Mabuhay ka Margie!” pahayag ng SAP sa isang post sa Instagram.

Tangan ni Didal ang 13th spot sa world rankings, na naglagay sa kanya sa top 16 cutoff para sa isang Olympic berth.

Ang 22-year-old Cebuana ay ika-10 Filipino na sasabak sa quadrennial games, kung saan lalaruin ang skateboarding sa unang pagkakataon sa Tokyo Olympics ngayong taon.

Ang mga Filipino athlete na nauna nang nagkuwalipika sa Olympics ay sina weightlifter Hidilyn Diaz, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam, gymnast Caloy Yulo, pole vaulter EJ Obiena, taekwondo Jin Kurt Barbosa, at rower Cris Nievarez.

Si Didal, nagwagi ng  gold sa women’s street events sa Asiad noong 2018 at sa 2019 Southeast Asian Games, ay kasalukuyang ranked 14th sa mundo.

Ang Tokyo Olympics ay gaganapin sa Hulyo makaraang ipagpaliban noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

53 thoughts on “DIDAL PASOK NA SA OLYMPICS”

  1. 544376 784079Most valuable human beings toasts need to amuse and present give about the couple. Beginner audio systems previous to obnoxious throngs would be wise to remember often the valuable signal using grow to be, which is to be an individuals home. greatest man speech examples 948489

Comments are closed.