NALUNGKOT ang taga-showbiz sa nangyari kay Diego Loyzaga. But at the same time, umaasa sila na malalampasan ng unico hijo nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga ang anumang pinagdaraanan niya.
Sa huling interbyu namin kay Diego, mukhang excited at masaya siya. Saktong-sakto raw na may serye siyang pagkakabisihan during the ‘ber’ months.
“I don’t know if some people get this too. I don’t know if I’m the only person na nakakuha ng ganito. Pero along the ber months parang ah, I get an off feeling. Parang I’m not a Christmas kind-of-guy. So, I’m happy nga na I have work during the ‘ber’ months. So, being busy during the ‘ber’ months will definitely keep me happy. Keep me busy. Keep me focus,” lahad ni Diego sa amin.
Tinanong namin siya kung bakit ‘di niya feel ang ‘ber’ months.
“It’s a psychological thing actually explained to me by a doctor. It’s something that you get when you’re younger. Parang bubog mo sa buhay. Pero I’m not saying in a negative way, huh. It is something na alam ko lang ‘pag ‘ber’ months, yeah (pause niya), you all know my story. I don’t have to explain it,” diin ni Diego.
We asked him again kung may kinalaman ‘yung pagiging malayo niya sa kanyang ama nu’ng lumalaki siya sa Australia ang isa sa mga pinagmulan tulad ng sinabi ng kanyang doctor.
“Let’s not put into words,” sagot sa amin ni Diego.
Ano ‘yung hugot niya pag “ber” month? Puwede ba niyang i-share?
“Ahhmm… It’s just the whole… ‘yun na nga, the whole Christmas-y vibe. Gano’n. I’d rather be out of the country,” lahad ni Diego.
BAGUHANG AKTOR MARKADO ANG ARTE SA PELIKULA
NAGMARKA ng husto sa amin ang baguhang actor na si Henz Villaraiz nu’ng napanood namin ang pelikulang “ML” sa opening night nito sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival sa CCP Main Theater. Henz played the role as Tony Labrusca friend sa “ML.”
Ayon sa direktor ng “ML” na si Benedict Mique, nag-audition daw si Henz for his role as Jace na kasamang na-torture ni Eddie Garcia sa movie.
Nu’ng napanood din daw ng ilang ABS-CBN executives ang movie, tinanong daw agad siya kung sino siya in real life dahil sa mahusay na performance niya habang tino-torture ni Eddie.
Si Henz ay isa sa top ten finalists sa “Pinoy Boyband Superstar” kung saan kasama rin niya si Tony. Parehong hindi sila pinalad ni Tony na makapasok sa limang grand winners. Pagkatapos ay napasama siya sa seryeng “Sana Dalawa ang Puso Ko” bilang si Kokoy ka-partner ni Yllona Garcia.
Henz is being managed by Star Magic and Ogie Diaz. But before that, mahilig nang magpa-VTR sa mga TV commercials si Henz.
“Hindi po ako actually, lucky sa mga commercial, e. Tapos may nagsabi po sa akin, ‘You know what? Try mo ‘tong reality show sa ABS baka makuha ka.’ Taga-ad agency po ‘yung nagsabi sa akin. Mag-isa po ako’ng nagpunta sa audition ng PBS,” sabi ni Henz.
Anyway, na-motivate daw si Direk Benedict na isulat ang kuwento ng “ML” pagkatapos niyang makita sa Facebook ang comment na mas mabuti pa raw ang kalagayan ng mga Pinoy nu’ng panahon ng Martial Law.
“I disagree kasi there were a lot of abuses committed by the regime during that era and abuses far outweight the benefits,” lahad ni Direk Benedict.
Comments are closed.