DIEGO LOYZAGA LESSON LEARNED KAY BARBIE IMPERIAL

NAGSALITA na si actress Barbie Imperial hinggil sa breakup nila ni actor Diego Loyzaga. Aniya, maayos silang naghiwalay, at kung sa ngayon ay hindi sila magkaibigan, darating ang araw na magiging friends din sila.

For the better raw ang nangyari dahil marami pa silang kailangang matutunan.

Dahil abala siya ngayon, hindi umano niya napag-uukulan ng pansin ang nasabing break-up. Pero aminado siyang may natutunan siya sa pakikipagrelasyon. Paulit-ulit na nangyayari sa kanya ang ganito dahil kapag nakipagrelasyon siya, nakakalimutan niyang mahalin ang kanyang sarili. Kung may susunod man umano kay Diego, sisiguruhin na niyang hindi na mauulit ito. Uunahin na daw niyang mahalin ang kanyang sarili.

Sa ngayon, isa sa mga bida si Barbie sa iWantTFC’s original series “The Goodbye Girl,” na produced ng Dreamscape Entertainment na sisimulang ipalabas sa February 14. Tungkol ito sa limang babaing brokenhearted na nagpapagaling ng sugatang puso. – KAYE NEBRE MARTIN