IGINIIT ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na dapat na gawing digital ang pamamahagi ng mga subsidiya mula sa gobyerno.
Ayon kay Dominguez, sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang korupsyon sa pamimigay ng cash benefits.
Sa isang taped Palace briefing na iniere kahapon, sinabi ni Dominguez na ang direct distribution ng cash aid ay dapat ipadaan sa mga bangko o e-wallets upang maiwasan ang mga tagapamagitan at paghawak ng cash.
“We think all subsidy programs in the future should be digitized, in other words through digitalization of all transactions,” ani Dominguez.
“Mahirap gumawa ng kalokohan dito kung by computer, walang cash na hina-handle, nobody can keep the cash…As little cash as possible, so walang mangungupit, walang mawawala,” dagdag pa niya.
Inihalimbawa ni Dominguez ang epektibong pagmamahagi ng small business wage subsidy program ng SSS sa mga benepisaryo sa pamamagitan ng bangko, money remittance center at e-wallet. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.