DIGITAL CLASSROOMS, SMART CAMPUSES BUBUHUSAN NG PONDO

DIGITAL CLASSROOMS

NAGSILBI umanong ‘wake-up call’ ang nararanasang pandemya kapwa sa private sector at sa pamahalaan para bigyang pansin ang pagpapagawa o pagkakaroon ng tinaguriang ‘digital classrooms’ at ‘smart campuses’ upang masiguro na magpapatuloy ang programang pang-edukasyon kahit may kinakaharap na matinding krisis ang bansa.

“For the past decades, our government has not invested in digital infrastructure and learning management systems both for elementary, secondary and tertiary institutions. This pandemic has become a wake-up call for all of us,” pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, lubos niyang ikinagalak at pinagpapasalamat ang pagbibigay basbas ng bicameral committee sa mungkahi ng mga kongresista na paglalaan ng halos P8 bilyon sa education sector, sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Paliwanag ni Cayetano, ang pondong ito ay gagamitin para matulungan ang mga school, learner at teachers na makasunod sa hamon ng alternatibong paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemic.

“Under the Congress-ratified Bayanihan 2 measure, a total of P7.9 billion was included in the P165.5 billion total appropriations and stand-by fund to support the education sector specifically to provide aid and subsidies to public elementary, secondary and tertiary schools that need them most,” sabi  pa ng House Speaker.

Ang naturang pondo ay hahatiin kung saan ang P300 milyon ay para sa one-time cash assistance sa mga teaching and non-teaching personnel, kabilang ang part-time faculty o non-permanent teaching personnel, sa lahat ng levels of education institutions, kapwa sa public at private schools, na nawalan ng trabaho o hindi nakatanggap ng kanilang suweldo sa panahon ng pandemya.

Ilalaan naman ang P600 milyon bilang subsidies at allowances para sa qualified students ng secondary at tertiary education kahit sa mga lugar na walang state universities and colleges (SUCs) o local universities and colleges (LUCs), na ang pamilya ay hindi naging bahagi ng ‘listahan’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o ngTertiary Education Subsidy (TES).

Nasa P4 bilyon naman ang mapupunta sa Department of Education (DepEd) para sa Digital Education, Information Technology (IT), Digital Infrastructures at Alternative Learning Modalities programs nito, habang P3 bilyon sa  SUCs para sa pagkakaroon nila ng ‘smart campuses’.

Binigyan-pansin naman ng 1st Dist. Taguig City-Pateros lawmaker ang pangangailangan na mabigyan ng financial aid ang private school teachers, partikular na ang nasa ilalim ng ‘no teach, no pay set up’.

“There are private school teachers who have not been receiving their salaries for more than five months. And they have to pay for rent, electricity, and now Internet. If you do not have a program for them, how will they survive this period?” dagdag ni Ca­yetano. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.