Digital Learning stairway to success

ni LEANNE SPHERE

SA nakalipas na mga taon, lalo na noong Covid 19 pandemic, naging mandatory ang online teaching at learning dahil kailangan. Wala kasing pagpipilian dahil walang pwedeng lumabas sa bahay.

Kung tutuusin, ang Online Learning, na kilala rin sa tawag na Distance Learning o Distance Education noong wala pang pandemya, ay ang pag-aaral na hindi na kailangan pang magtungo sa paaralan. Noong una, ang layon nito ay ang pagkakaroon lamang ng unparalleled flexibility, kung saan nakakapag-aral ang mga estudyante depende sa kanilang schedule. Napakaganda nito para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho o mayroon pang ibang personal commitments. Sa pamamagitan nito, may kalayaan ang mga estudyanteng mag-aral sa oras na libre sila. Isa pang dahilan kung bakit napakaganda online learning kahit noong wala pang pandemya ay dahil binago nito ang sistema ng edukasyon sa makabagong panahon, kung saan mas inaasahan ng estudyante ang kanyang sarili kesa sa kanyang guro.

Noong pandemya, wala tayong choice. Pero ngayong normal na ang lahat, at pwede na uli ang face-to-face learning, parang mas sikat pa rin ang online learning, kaya may pagpipilian ang mga estudyante. Pero alin nga ba ang mas maganda, ang traditional classroom learning o ang online learning? Busisiin natin ang mga detalye.

Sabi ng ilang mananaliksik, palpak daw ang online learning dahil mas mahuhusay raw ang mga estudyanteng dumaan sa traditional face-to-face coursework. Sa madaling sabi, marami itong negatibong epekto dahil hindi sila masyadong handa academically para sa bachelor’s degree. Pero kung may disdvantages, may advantages din.

Hand touching tablet pc, social media concept

Makakatipid ang estudyante sa online learningdahil hindi na kailangan ang pocket money at transportation allowance. Mas madaling matuto gamit ang mga gadget tulad ng laptop, tablet o kahit pa cellphone lang. matipid din sa oras dahil hindi na makikipagbuno sa mabigat na trapiko.

Pwedeng matuto kahit saan basta may internet. Madali ring mag-research, dahil isang google lang, sasagutin kahit ano pa ang tanong mo. Syempre, hindi kumpleto ang sagot, pero nagre-research ka para matuto kaya huwag kopyahin lang. Gamitin din ang utak kahit paano.

Ang maganda pa sa online learning ay hindi ka nagmamadali. Pwede kang matuto sa bilis na gusto mo, kahit saan at kahit anong oras. Kung working student ka, isa o dalawang oiras lamang bawat araw, sapat na para sa online learning.

Pero ang pinakamalaking tanong: may okay ba ang online learning kesa face-to-face?

Sa mga traditional learners, may gusto nila ang face-to-face instruction; pero sa millennials, mas epektibo raw ang online learning. Silang mga isinilang na may kagat na computers, natutong magbasa sa tulong ni Peppa Pig, at ang larong alam ay candy crush sa halip na patintero, ay naniniwalang “Sige na nga, okay ang traditional learning, pero mas madali ang digital learning.

Parehong effective ang online learning at classroom learning, pero perfect ang online learning sa mga estudyanteng may mga extra-curricular activities. Dahil adjustable ang schedules, konti lang ang burden, at less ang pressure.

Kung disiplina ang hanap mo, sa classroom learning ka. Active ang participation dito at ang teacher ang ider. Sa online learning, estudyante ang nagdedesisyon at ang teacher ay guide lamang.

Flexibility ang pinakamalaking bentahe ng digital learning, pero wala itong face-to-face interaction.

Oo nga, convenient, pero maraming distractions. Mas mura, pero limitado ang access sa resources at support.May access nga sa wider range of programs pero kung walang wi-fi, wala rin.

Natututo ang online learners gamit ang text, images, o videos, at kailangan din ang online assessment o iba pang aktibidaes – pero kokonti ang interaction. Dahilan ito para tamarin ang estudyante, dahil matagal pa ang deadline – hanggang sa nakalimutan na at saka lamang magmamadali kapag oras na ng submission. Sa isang banda, ang traditional learning ay may fixed schedule and place. Maipapaalala ng teacher at kapwa estudyante ang trabaho kahit pa tinatamad ang learner.

Isa sa pinakamalaking disadvantage ng online education ang kawalan ng physical interaction, kaya madalas, hirap ang learner na makipag-communicate sa kapwa learner at teacher. Heto ang paraan para maiwasan yan.

Una sa lahat, dapat, may sariling effective learning approach ang estudyante. Makakatulong ang mga video. Mahalaga ang power of communication kahit sa digital schools. Kulang man ang personal interaction, malaking tulong ang group chat via messenger, Facebook o kahit ordinaryong cellphone messages lang. Kung kaya ang Virtual Reality, aba, bongga!

Dapat din, may flexible Lesson Plans, mahigpit na teachers, plus, result-oriented assessments.

Madali lang yan dahil sa technology. Kaya nga may Zoom, Google Meet, at iba pang online platforms at social media.

Sa pagtatapos: mas effective nga ba ang online learning kesa classroom learning?

Subok na ang classroom learning dahil matagal na itong ginagamit. Lahat ng mga presidente sa buong mundo ay natuto sa classrooms. Kahit ang royalties, kasama na sina Queen Elizabeth, King Charles, Prince William, Emperor Hirohito, kahit pa ang notorious na sina Adolf Hitler, Idi Amin at Sadam Hussein ay tradisyunal ang pagkatuto. Pero iba na ngayon. Panahon na ng millenium.

Surprisingly, mas adjusted ang millennial students sa digital learning, dahil lumaki nga sila sa modern technology. Sa madaling sabi, pareho silang effective, depende kung sino ang learner at kung paano ito ipatutupad.