MALOLOS CITY- MATAPOS ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemya, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System sa Marso 1 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw ay bilang paghahanda sa mga empleyado sa bagong sistema sa pagpasok sa opisina bunsod ng mga pagbabago dahil sa COVID-19.
“This is to encourage the employees to be punctual. We’ve been lenient in understanding them dahil sa nawalan ng public transportation at nagpapasalamat ako dahil kahit ganoon, we are still able to serve our fellow Bulakenyos by working from home and skeletal arrangements using log books, but now we have to comply and observe work ethics while still following the health protocols,” ani Fernando.
Ayon naman kay Cynthia P. Abiol, pinuno ng Provincial Human Resource Management Office na dahil sa digital logbook system na ang gagamitin, hindi na kailangan pang magsumite ng Daily Time Record (DTR) ngunit magsusumite pa rin lingguhang iskedyul para sa skeletal na pasok.
Layon nito, ani Norminda Calayag mula sa Provincial Planning and Development Office na maipatupad ang contact tracing at masubaybayan ang attendance ng mga empleyado.
“Itong paggamit ng QR code ay individual at itatapat lang sa machine, hindi kailangan ng contact sa machine o sa tao. Provided ang QR code sa mga empleyado at meron din para sa mga Bulakenyong sasadya sa Kapitolyo,” paliwanag ni Calayag. MARIVIC RAGUDOS
455105 474683Hello Guru, what entice you to post an write-up. This article was extremely interesting, specifically since I was looking for thoughts on this subject last Thursday. 34385