ni Riza Zuniga
NAGDAOS ng isang webinar tungkol sa Digital Security for Journalists ang Asian Center for Journalism (ACFJ) nitong Biyernes, Oktubre 29, 2021.
Sinabi ni Luz Rimban, Executive Director ng ACFJ at Program Coordinator ng MA Journalism, batid niya ang napakadelikadong lagay ng mga journalist sa cyber space.
Hindi biro-biro ang atakihin ng mga trolls at hindi kilalang tumutuligsa sa mga journalist, lalo pa at mapadapa ang website sa panahong matindi ang labanan sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa panahon ng pandemya.
Kinakailangan ng proteksiyon ng mga journalist laban sa keyboard warriors. Ilan sa natalakay ay ang Internet Security na ibinahagi ni Kim Cantillas ng Computer Professional’s Union.
Sinabi ni Cantillas, “We are living in a rapidly evolving digital landscape.” Naitala na sa bawat minuto sa isang araw, mayroong gumagamit ng Tiktok 167M, Twitter 575k, Instagram 65k, FB 240k, Youtube 694k, Netflix 452k, Team 100k, Zoom 856, Slack 148k, VenMo 304k, Instacart 67k, Strava 1.5k, Online 6M, Amazon $283k, Snapchat 2M, Clubhouse 208 rooms, Imessage 12M, Discord 668k, Google 5.7M.
Iginiit na kailangang maproteksiyunan ang journalists sa krimen, state repression at surveillance capitalism. Kaya’t isang angkop na risk assessment ang kailangan para mabalanse ang security at convenience. Habang ang mga tao ay nagiginhawaan, tumataas naman ang bilang ng kinakailangang seguridad para rito.
Si Ed Lingao, isang beteranong broadcaster at news anchor ng TV5 at Cignal TV, ay nagbahagi ng napakaraming pamumukol ng mga netizens sa kanyang FB Account. Kaya’t inisa-isa niya ang kanyang FB Policies, nananatiling bukas ang kanyang FB account sa publiko, kaya’t maaari magkomento ang netizens kahit gaano ito kasakit hindi niya aalisin ang comments sa kanyang FB posts, pero kung kailangan nang i-block, ito naman ay kanyang gagawin.
Kahit papaano, may ibinungang mabuti ang kanyang tiyaga sa pagsagot sa mga comment at dahil dito natuto na ring manindigan ang iba. Ang mga natutunan sa internet, ito ay nagbibigay ng false hope, maraming keyboard warriors pero lango lang sila sa free data, mas dapat katakutan ang mga hindi nanghahamon, talagang nakakaubos ng oras ang pakikipagsagupaan sa kanila ngunit may level of satisfaction kung maganda ang ibinunga, mahalagang ang mga FB posts ay may iba’t ibang level, para sa pamilya lamang, para sa kaibigan at para sa mundo, maging maingat sa inilalagay sa FB, huwag ilagay kung nasaan, contact details at personal details at iwasan ang mga pampublikong posts tungkol sa pamilya.
Ipinakita ni Len Olea, Managing Editor ng Bulatlat at kasalukuyang secretary general ng National Union of Journalists in the Philippines, nagtapos ng MA Journalism sa ACFJ, kung paano ang nangyaring cyber attack sa Bulatlat noong ika-26 Disyembre 2018. Nakita sa imahe ang nangyaring Distributed Denial of Service (DDoS).
Malaki ang naging tulong ng Qurium Media para ma-trace kung sino ang may kagagawan at sumambulat sa mga sumusubaybay ang IP Address na 202.90.37 { .} 42 na nag-launch ng vulnerability scan laban sa Bulatlat. Ito ay sa ilalim ng pamamahala ng DOST at natukoy na Philippine Army ang gumamit.
Ang naitala ng Qurium Media ay 3 million packets of second for 60 minutes.
Bahagyang tumigil ang cyber attack noong nagsampa ng civil complaints sa Quezon City Regional Trial Court. Nakasama sa panawagan laban sa cyber attacks ang Kodao, Pinoy Weekly at Altermidya.
Nagkaroon ng kasunduan laban sa dalawang organisasyong may kinalaman sa pag-atake sa Bulatlat kung kaya’t itinigil na ang pagdinig sa kaso.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan nakararanas pa rin ng cyber attack ang Bulatlat, isa sa pinakamatagal ng nagbabalita ng online news sa bansa. Hindi rin naisapubliko ang imbestigasyong ginawa ng CERT PH, pinanindigang ng Philippine Army na ang ginawa ay browsing lamang.
Ang pinakahuling nagbahagi ng Cyber Safety Tips for Journalists ay si Dr. William Yu, siya ang Chief Technology Officer ng NameMicro-D International, Senior VP ng Technology of Novare Technologies, at nagtuturo sa AdMU’s Department of Information Systems and Computer Sciences at nagtuturo rin sa Asian Institute of Management.
Sa cyber attack, sabi ni Yu, ang target ay mga journalist. Ano ngayon ang maaaring gawin? Una, ang War on Trolls. Problema ang trolls, kung kaya’t dapat nakarehistro ang social media accounts at mga pahinang ginagamit, kung maaari ay hiwalay ang personal account sa professional account, kailangang mas maraming tao ang mag-report ng hindi kanais-nais na gawain sa social media.
Ikalawa, Defending your Cyber Presence, problema ay suppression ng content o nilalaman. Kung kaya’t malaking tulong ang mga sumusunod: responsive cloud hosting, Anti-Distributed Denial of Service katulad ng Cloudfare at Web Application Firewall (WAP).
Ikatlo, Protecting Digital Live Events, ang problema ay nuisance at distraction katulad ng zoom bombing. Ano ang proteksyon para rito? Una, Configure proper information security controls and limits; ikalawa, enable watermarking; ikatlo, paggamit ng webinar features katulad ng guest registration; at ika-apat, tingnang mabuti ang ibinabahagi sa social media.
Ika-apat, Surveillance, ang problema ay confidentiality. Ang proteksyon: gamitin ang trusted service providers, maging maingat sa pagbabahagi ng kinaroroonan, panatilihin ang single account para sa sensitibong operasyon, gumamit ng sariling encryption, maging maingat sa paggamit ng public networks, kung maaari ay i-disable ang location services, iwasan ang pagfill-up gamit ang auto-complete, password vaults at preferences. Ingatan din ang cookies, mas mainam ang kakaunti ang features ng browsers na gagamitin.
Ika-lima, You need to Trust Somebody, lahat ng platforms ay may problema. Alamin kung saan naka-base at ano ang legal domicile at effective law na ginagamit, gaano sila ka-aktibo na ikaw ay ma-track down, nasaan ang kanilang mga servers, sila ba ay gumagamit ng end to end encryption, ang platforms ba ay kilala na may nakahandang available exploits (halimbawa, nagagamit ang software para masira ang confidentiality o kaya maisagawa ang DDoS) at i-apply ang desisyon sa network, applications, contacts at iba pa.
Ika-anim, Expectation of Privacy, ang problema ang mga journalists ay mga public figures kung kaya’t inaasahan na may aspeto ng buhay nila ang alam ng publiko. Ngunit may mahahalagang impormasyon ang hindi dapat alam ng publiko katulad ng medical information at minor dependents. Batid ng lahat na ang lahat na nakalantad sa internet ay pampubliko, kinakailangang ang pagiging maingat para maihiwalay ang pribadong buhay labas sa internet.
Ang panghuling bahagi ng talakayan ay ang pagsagot sa mga tanong ng kapwa speaker at mga tanong mula sa participants ng webinar. Ang paksang tinalakay ay maaari ring magamit ng netizens, lalo na ang mga aktibo sa paggamit ng social media.