DIGITAL SOLUTIONS PARA SA MSMES INILUNSAD NG GLOBE BUSINESS

MSMEs

SA GITNA ng pagbangon ng mga negosyo mula sa epekto ng pandemya, ang Globe Business ay gumagabay at tumutulong sa kanilang pag-unlad gamit ang mga makabagong digital solutions at iba pang mga inisyatiba.

Pinapatibay ng enterprise arm ng Globe ang tungkulin nito bilang isang pinagkakatiwalaang partner ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) tungo sa mas matatag na hinaharap.

Bilang panimula, pinalawak ng Globe Business ang connectivity at digital solutions nito para suportahan ang MSMEs.

Mayroon itong flexible na mga mobile at internet subscription sa ilalim ng GPlan portfolio at GFiber Biz. Mayroon ding Vehicle Tracker para matiyak ng mga MSME na ligtas ang kanilang mga delivery, at Cloud Payroll para sa mabilis na pagproseso ng pasahod para sa kanilang mga empleyado.

Dagdag pa sa mga ito ang ChatGenie kung saan madaling pamahalaan ang lahat ng kanilang mga transaksyon mula sa iba’t ibang mga channel tulad ng Facebook, Instagram at Viber dahil makikita na lamang sa isang dashboard.

Para higit pang magabayan ang mga negosyo, nagsagawa ang Globe Business ng Innovation Summit noong Agosto 25 at 26. Gaganapin muli ito sa Oktubre ngayong taon.

Sa summit, nagkaroon ng workshop at webinars kung saan nakasama ng mga MSME ang mga innovator, tech expert, at business leaders na makatutulong sa paggamit ng mga bagong teknolohiya at mas mapaganda pa ang ugnayan sa mga kostumer.

“At Globe Business, we continue to empower MSMEs with the right digital tools and knowledge to help them improve and progress towards exponential growth, help them reach breakthroughs, and push them beyond their perceived boundaries to move their businesses forward into the digital future,” pahayag ni KD Dizon, Head ng MSME Group ng Globe Business.

Dahil dito, muling ipinakikilala ng Globe Business ang Upstart, isang loyalty program na idinisenyo para bigyang kapangyarihan ang mga negosyo sa tulong ng GearUp para sa libreng pagsasanay at upskilling, GainUp para sa mga perks at rewards, at GuildUp para sa oportunidad na maka-konekta sa mga matatag na ecosystem ng negosyo.

Binibigyan ng Upstart ang mga MSME ng access sa content gaya ng business hacks, business advice, learning modules, tech tips, at inspiring stories mula sa bagong portal ng Globe Business Academy.

Maaari rin nilang mapanood ang “At Your SerBIZ,” ang online talk show ng Globe Business kung saan ibinabahagi ng mga negosyanteng Pinoy ang kanilang mga karanasan sa pagtatayo at pagpapalakad ng negosyo.

Patuloy pang pinalalakas ng Globe Business ang pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) para lumikha ng mas maraming pagkakataon sa pag-aaral para sa MSME gaya ng apat na bahaging webinar series na “Reaching Breakthroughs.”

Ipinagdiwang din ng Globe Business ang resilient entrepreneurial spirit ng MSMEs at ang kanilang inspiring digital transformation sa pamamagitan ng “Breakthrough Story.”

Samantala, ang mga kukuha ng makabagong mga produkto, serbisyo, at expertise ng Globe Business ay garantisadong mabibigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng mga online support channel.

Marami pang mga thought leadership event, raffle promos, at rewards ang maaasahan ng mga MSME sa 917 loyalty event ng Globe sa Setyembre. Sa darating na Nobyembre at Disyembre, ipagpapatuloy din ng Globe Business ang Gift Local campaign para i-promote ang mga produkto at serbisyo ng Filipino MSMEs.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe Business, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/business.html.