ANG DIGITALIZATION ang gagamiting tools ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagkolekta ng buwis ngayong fiscal year sa gitna ng dinaranas na COVID-19 pandemic.
Ito ang nakikitang solusyon ni Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay para makuha ang tax collection goal na umaabot sa P2.942 trilllion, mas mataas ng halos 12.42% kumpara sa 2020 tax goal.
Ito rin ang ginamit na tools nina Metro Manila BIR Regional Directors Albin Galanza (Quezon City), Ed Tolentino (East NCR), Maridur Rosario (Makati City), Jethro Sabariaga (City of Manila) at Gerry Dumayas (Caloocan City) kaya nagtagumpay silang maabot ang tax collection goal at mapigilan ang nagbabantang ‘shortfall’ sa tax collections dahil sa lawak ng pinsalang idinulot ng COVID-19 at naging daan para parangalan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang performance ng BIR.
Walang puknat ang massive tax campaign ng BIR, gaya ng pagpapasara at pagsasampa ng kaso laban sa mga erring business establishment sa ilalim ng “Oplan Kandado’, paghabol sa mga delinquent taxpayer, monitoring sa galaw ng mga traders at iba pang paraan para makakolekta at makakuha ng karagdagang buwis ang Kawanihan.
Sa kanilang report kina Commissioner Dulay at Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, buwan pa lamang ng Enero hanggang nitong Mayo ay nagpamalas na ng kanilang tax collection performance sina Metro Manila Revenue District Officers Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Arnold Galapia (North-QC), Tony Ilagan (South-QC), Rodel Buenaobra (Novaliches), Deogracias Villar (Pasig City), Vicente Gamad, Jr. (Marikina City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Rufo Ranario (East Makati City), Beth Seba (West Makati City) at iba pa.
Sa digitalization program ng BIR, sinabi ni Commissioner Dulay na epektibo ang ginamit nilang sistema matapos na lumabas sa statistical records na nakapagtala sila ng 21.5 million o katumbas ng 94% ng kabuuang P22.86 million tax returns na nai-file matapos ang tax deadline noong nakaraang Abril 15, 2021 sa pamamagitan ng online, samantalang naitala sa 1.38 million o katumbas ng 6% ang nakapag-file naman manually, alinsunod sa mobility restrictions na ipinatupad ng pamahalaan.
Sa kabuuang P1.67 trillion na nakolektang buwis ng BIR through e-channels noong nakalipas na taxable year — P4.98 billion na ibinayad sa buwis ay mula sa additional digital system Pay Maya. At Base sa tax data, ang nakolektang P1.94 trillion ay katumbas ng 11.23% kung ihahambing sa 2019 tax goal na P2.19 trillion.
Gayunman, itinuturing na mas mataas pa rin ito kung ihahambing sa revised 2020 tax goal na P1.94 trillion na iniatang sa kanila ng Development Budget Coordination Committee (DBCC). Nakita rin sa data na umaabot sa 4.37 million ang nadagdag na bilang ng mga registered na bagong business taxpayers o nagre-represent ito ng 6.15% na mas mataas kung ihahambing sa mga nakaraang taon na umabot lamang sa 4.11 milyon.
“Congratulations Billy, this year I think, will be continuously chalenging but i’m very happy the way BIR has responded to this crisis and had not given up. Basically, your collections went down almost exactly as the GDP constracted around 10%. It was lower because the GDP dropped. Thanks to your team and keep it up,” sabi ni Secretary Dominguez.
Sa huling yugto ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, aminado ang BIR na nahaharap sila sa matinding hamon para bunuin ang 2022 tax collection goal na tinataya sa P3.312 trilyon o mas mataas ng 12.49% kumpara sa tax goal ng 2021.
Lahat ng ito ay kaya aniyang harapin basta sama-sama at nagkakaisa ang mga key revenue official sa tamang pagkolekta ng buwis para sa bayan.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].
206553 528922hi was just seeing should you minded a comment. i like your website and the thme you picked is awesome. I will probably be back. 703314
463591 139580Hello! I would wish to supply a large thumbs up for your superb information you could have here about this post. Ill be coming back to your blog website for further soon. 133088