DIGITAL TRANSACTIONS TARGET ITINAAS NG BSP SA 30%

DIGITAL TRANSACTIONS

ITINAAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang digital transactions target nito sa 30% sa 2020.

Kasabay nito ay inilunsad ng BSP ang dalawang bagong payment solutions.

“The original goal is 20% by 2020. The new goal is now 30% by 2020,” wika ni BSP Governor Banjamin Diokno.

Ang original goal sa ilalim ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr. ay 20% sa susunod na taon.

Ayon kay BSP Managing Director for the Financial Technology Sub-Sector Vicente De Villa III, ang mas mataas na target ay base sa halaga ng ka-buuang transaksiyon.

Inilunsad ng BSP ang dalawang bagong payment initiatives sa ilalim ng National Retail Payment System (NRPS).

Ang isa ay ang Government e-Payments (EGovPay) Facility na nagbibigay-daan sa pagtanggap ng mga ahensiya ng pamahalaan ng digital pay-ments.

“The objective is that eventually, all (government agencies) will have to pass through that link before 2023 if not sooner,” paliwanag ni Diokno.

Kabilang sa mga ahensiya na gumagamit na ng sistema ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI), at Phil-ippine National Police (PNP).

Nasa sistema na rin ang  local governments ng General Santos, Manila, Valenzuela, San ­Pedro sa Laguna, at Baler sa ­Quezon City.

Inilunsad din ng BSP ang QRPh, ang national standard para sa quick response codes sa buong bansa na magsasama-sama sa lahat ng digital pay-ment solutions.

“Transactions via the QRPh will no longer require typing in the recipients’ account information with the assurance that payments will go to the cor-rect account,” ayon sa BSP.

“All digital payment solutions will have until June 30, 2020 to fully comply with the National Standard QR Code, as stat-ed in the BSP Circular dated November 4, 2019.”  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.