DIGITAL TV: ANG PANIBAGONG HAMON AT PAG-ASA SA MAKABAGONG PANAHON

SA pag-unlad ng teknolohiya, lalo nating natutunghayan ang kahalagahan ng pagtatanghal ng digital television o digital TV sa ating pang-araw-araw na buhay.

Ang paglipat mula sa tradisyunal na analog broadcast patungo sa digital platform ay nagdudulot ng malaking epekto hindi lamang sa kalidad ng ating pagsusuri ng impormasyon kundi pati na rin sa ating pampersonal na karanasan.

Isang makabuluhang hakbang ang pagsuporta ng pamahalaan sa paglipat ng bansa sa digital TV.

Ang paglulunsad ng digital television broadcasting ay nagdudulot ng mas mataas na kalidad ng audio at video, nagbibigay ng mas maraming channel, at nagbubukas ng pintuan para sa iba’t ibang serbisyong digital.

Ang pangunahing kahalagahan ng digital TV ay matatagpuan sa pagpapabuti ng kalidad ng pagsasahimpapawid.

Ang high-definition (HD) na pagpapalabas ay nagbibigay ng mas klaro at mas matalinong larawan kumpara sa traditional na analog broadcast.

Ito ay nagreresulta hindi lamang sa mas immersive na karanasan sa panonood kundi pati na rin sa mas malinaw na pang-unawa ng mga impormasyon na ipinasasahimpapawid.

Sa pangunguna ng pamahalaan, inaanyayahan tayo na subukan ang digital television service para sa mas magandang karanasan sa panonood, mas maraming programang mapapanood, at maagang babala sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

Ipinaabot nga ni National Telecommunication (NTC) Deputy Commissioner Alvin Blanco sa publiko ang kanyang panawagan na lumipat sa digital TV service.

Sa ilalim ng plano na inilunsad sa Ceremonial Digital Switch On (DSO) sa isinagawang Digital TV Summit 2017, kasama ang broadcasters, manufacturers, content producers, at ang mga televiewers, itinulak ang komprehensibong pambansang estratehiya para sa mabilisang paglipat mula sa analog patungo sa digital broadcasting bago matapos ang 2023.

Hinimok naman ni Engr. Erwin Galang, direktor ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), ang publiko na subukan ang digital TV at nang makita raw ang pagkakaiba.

Kasama sa plano ng NTC, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pag-adopt ng emergency warning broadcast system feature ng digital TV. Isa itong hakbang patungo sa mas ligtas na pamamahagi ng impormasyon sa oras ng pangangailangan, gaya ng naranasan sa Japan.

May mga hakbang na isinasagawa para mapadali ang paglipat ng publiko, lalo na sa mga mahihirap na lugar, mula sa analog patungo sa digital broadcast.

Ayon kay Blanco, inaatasan ang mga network na magkaroon ng simultaneous broadcast ng analog at digital signals habang isinasagawa ang paghahanda para sa paglipat sa digital.

Gayundin, iniisip ng pamahalaan ang pagbibigay ng subsidiya para sa ilang household na nangangailangan ng tulong para sa transisyon. Layunin nitong mapanatili ang kaginhawaan at maiwasan ang abala.

Bagama’t patuloy ang paglipat mula analog patungo digital sa mga lugar sa labas ng Mega Manila, nagsimula na rin ang paghahanda para sa Analog Switch Off (ASO) hanggang sa ganap na pag-adopt ng digital system.

Kung hindi ako nagkakamali, nasa 82 hanggang 83 porsiyento ng mga household sa Metro Manila ang nakakatanggap na ng digital TV signal, samantalang mayroon pang hindi aabot sa isang milyong household na umaasa pa rin sa analog TV.

Hindi lang daw ito para sa mas magandang karanasan sa panonood, kundi pati na rin para sa mas malawakang kaalaman at ligtas na impormasyon sa oras ng pangangailangan.

Ang paglipat sa digital TV ay nagbubukas din daw ng mas maraming channel at pagpipilian sa mga manonood. Sa traditional na analog broadcasting, limitado ang bilang ng channel na maaaring mapanood, ngunit sa digital TV, mas maraming channel ang maaaring pagpilian, nagbibigay daan sa mas malawak at mas bukas na pagkakataon sa iba’t ibang programa at content.

Isa pang aspeto ng kahalagahan ng digital TV ay ang pagbibigay ng mas mabilis at mas epektibong serbisyo sa kahit saang bahagi ng bansa.

Sa kabuuan, ang paglipat sa digital TV ay hindi lamang isang pagbabago sa teknolohiya kundi isang mahalagang hakbang para sa mas maayos na kalidad ng serbisyong pagsusuri ng impormasyon at pangangalakal.

Subalit kahit ito ay nagdadala ng mas maraming oportunidad para sa masusing pagsusuri ng kultura, edukasyon, at pag-usbong ng kahalagahan ng teknolohiya sa ating pang-araw-araw na buhay, nawa’y matuloy ang subsidiya para sa ilang kababayan natin na walang kakayahang bumili ng mas mahal na digital TV.