ANG paggamit ng ‘digital’ para masugpo ang corruptions sa pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan ang nakikitang solusyon ng Department of Social Welfare and Develooment (DSWD).
Isang mabisang paraan ang digitalization para maiwasan ang korupsiyon sa pamamahagi ng ayuda, ayon mismo kay Secretary Rex Gatchalian.
Isa sa prayoridad ni Secretary Gatchalian ay ang ‘digitalization’ sa sistema ng proseso, programa at serbisyo ng departamento upang masiguro ang mabilis at epektibong paghahatid ng mga serbisyo sa mahihirap, mangingisda at iba pang nangangailangan ng tulong.
Isa sa halimbawa ng paggamit nila ng ‘digital’ ay ang e-wallet app na Starpay para sa pagbibigay ng Social Ameliaration Program (SAP) funds sa mga benepisyaryo. Ito ay dahil sa posibilidad ng pagkakasangkot ng ilang tiwaling barangay officials sa katiwalian sa pamamahagi ng ayuda.
Sa report ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG), may 183 barangay officials ang iniimbestigahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detention Group mula noong 2020 hanggang ngayon dahil sa umano’y korupsiyon sa pamamahagi ng SAP.
Taong 2021, ibinunyag ni dating Senador Manny Pacquiao na may P10.4 bilyong pondo ang nawawala sa SAP at may 1.3 milyon na benepisyaryo ang hindi nakatanggap ng ayuda at handa naman ang pamunuan ng DSWD na harapin ang anumang imbestigasyon sa kasong ito.
Ang inilaang pondo ng Kongreso para sa DSWD ngayong 2024 ay P209.9 bilyon, mas mataas ng P10.4 bilyon kaysa sa P199.5 bilyon na budget nito noong 2023. Noobg 2022, ang budget ng DSWD ay P202.4 bilyon. Ang pinakamalaking budget ng DSWD ay nakalaan para sa mga promotive programs nito tulad ng 4P’s, SLP, SFP at SocPan.
May ilang mga kaso ng korupsiyon sa pamimigay ng ayuda ng DSWD ang hanggang ngayon ay sinisiyasat. Noong 2020, pinagtibay ng Court of Appeals ang dismissal ng tatlong senior DSWD officials dahil sa malversation of public funds at falsification of documents sa paggamit ng P10 milyon na pondo ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa Negros Occidental.
Ang “poorest of the poor” na hindi nakatanggap ng ayuda sa DSWD ay maaari pa ring lumapit sa kanilang Local Social Welfare and Development Offices o tumawag ss 24/7 hotline number 16545. Ang GRS ay sisiguruhin na ang mga kuwalipikadong pamiya ay makatatanggao ng tamang ayuda at ang mga iregularidad ay mabibigyang linaw.
Ang mga benefits na dapat matanggao ng mga mahihirao bilang bahagi ng ayuda ng DSWD ay depende sa uri ng programa na kanilang sasalihan. Ang DSWD ay may iba’t ibang programa para sa mga mahihirap tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP), isang programa na nagbibigay ng skills training, seed capital funds, pre-employment assistance funds, cash for building livelihood assets para sa mga pamilyang nais magtayo o palawakin ang kanilang mga negosyo o makakuha ng trabaho; at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), isang programa na nagbibigay ng buwanang cash grants sa mga pamilyang may mga anak na edad 0-18 basta sumusunod sila sa mga kondisyon ng pagpapadala ng mga anak sa paaralan, pagdala sa health center at pagdalo sa family development sessions.
Ang mga qualified na makatanggap ng ayuda galing sa DSWD ay ang mga pamilyang mahihirap, mahina, nasa disadvantage sectors, senior citizens, persons with disabilities, pregnant and lactating mothers, solo parents, OFWs in distress at iba pa. Ang mga pamiyang ito ay dapat nakapasa sa eligibility criteria at assessment ng DSWD at mga lokal na pamahalaan.
Ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korupsiyon sa pamamahagi ng ayuda sa DSWD ay dapat i-report o isumbong sa mga sumusunod na ahensiya: Presidential Anti-Corruption Commission, DSWD-24/7 hotline 16545 o dswd.gov.ph, DILG-PNP-CIDG o direktang sampahan ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman.