Ito ang bungo ng isang sundalo, na nababalutan pa ng chain mail nang matagpuan — nagsisilbing helmet noong kanilang panahon. Namatay ang sundalong ito sa Battle of Visby noong 1361.
Noong mga panahong iyon, sama-samang inililibing ang mga Patay sa isang mass grave na soot pa rin ang kanilang mga baluti at kasama rin ang kanilang mga sandatang pandigma, kaya naman tuwang tuwa ang mga nakakahukay sa kanila dahil magiging isa itong rich archaeological site.
Marami nito sa Gotland Museum sa Sweden.
Kung pag-aaralang mabuti, ang mga digmaan noong ay maihahalintulad sa mga video games ngayon. Pagkatapos ng labanan ay ninanakaw ng mga nanalo ang kung anumang mahahalagang bagay sa natalong kalaban.
Bihirang nakakahukay ng libingan ng sundalong may mga gamit pa kaya kakaiba ang labanan ng Visby. Maaaring ang bungo ng sundalong nahukay ay inililibing ng isang kaibigan, dahil nag-iisa ito. Yung mass grave na may kagamitan, malamang na sila ang nanalo sa giyera kaya Hindi nalapastangan ang kanilang mga bangkay o napagnakawan.
Nililinis ng nanalo ang mga lugar ng mga labanan at ang mga natira — kung meron man — ay pinagkakaguluhan ng mga magnanakaw.
Ang pagkuha ng mga kagamitan ng kalaban ay itinuturing nilang bahagi ng sahod ng isang sundalo. Minsan naman, ipinagagamit ito sa mga bagong sundalong wala pang kagamitan. At dahil nga ang sagupaan noong ay harapan, palaging daan-daan ang mga patay sa isang digmaan. Nangangahulugang maraming kagamitan ang nagkalat na pwedeng ibenta.
Madalas sumama ang mga mangangalakal sa giyera upang bilihin ang mga nakumpiskang bagay sa mga patay.
Ngunit kapag nabubulok na at namamaga na ang bangkay, walang gustong maghubad dito, kahit pa ang mga nagnanakaw, sa takot na baka balikan sila ng kaluluwa ng namatay. Marahil, sila ang ilang nahukay ng mga archeologists.
May tinatawag na “Medieval Week” sa Visby, Sweden kung saan isinasagawa ang reenactment ng “Battle of Visby” tuwing tatlong taon. Napanatili ng Visby ang sentro ng lungsod sa loob ng tunay na mga pader na itinayo pa noong Medieval era may isang libong taong na ang nakalilipas.
RLVN