DIGONG AT SARA SUSUNOD SA DOBLE PLAKA SA MOTOR

doble plaka

MAGING sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kapwa motorcycle enthusiasts ay susunod sa batas na nag-aatas sa mga motorcycle rider na maglagay ng malalaki at color coded na plate numbers sa harap at likod ng kanilang mga motorsiklo.

“Everyone should comply,” tugon pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang magsagawa ng malawakang kilos protesta o unity ride noong Linggo ang  motorcyle riders sa buong bansa.

Ayon kay Panelo, mismong sina Pangulong Duterte at Mayor Sara ay tatalima sa Motorcycle Crime Prevention Act na nilagdaan kamakailan lamang ng Pangulo.

Kasabay nito ay hinamon ni Panelo ang motorcycle riders na kuwestiyunin na lamang sa mga hukuman ang nilagdaang batas ng Pangulo kung hindi sila sang-ayon dito.

“If they feel that it’s so unconstitutional they can always raise that before the courts. But of course, the President is standing by it” dagdag pa ni Panelo.

Naniniwala si Panelo na dapat ang lahat ay sumunod sa bagong batas dahil sa pamamagitan ng paglalagay ng malalaking plaka ay makatutulong ito para sa crime prevention at mas madaling matukoy ang mga kriminal na gumagamit ng motortsiklo bilang kanilang get away vehicle. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.