DIGONG ‘DI MANINIKLUHOD PARA SA E-POWERS

Pangulong Rodrigo Duterte-3

WALANG plano si President Rodrigo Duterte na magmakaawa sa mga mambabatas para lamang mabigyan ng emergency powers upang matugunan ang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Sa ginanap na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang kahalagahan ng pagkakaloob ng emergency powers  kay Pangulong ­Duterte.

“Well, ever since he ­(Duterte) wanted it, but ‘if you don’t want, never mind. In other words, he will not go down his knees and plead,” sabi ni Panelo.

Ayon kay Panelo, batid ng mga mambabatas kung ano ang pangangailangan ng Pangulo upang tuluyang maresolba ang problema sa trapiko, subalit wala namang magagawa kung ayaw ng mga mambabatas na bigyan siya ng emergency powers.

Paliwanag ni Panelo, ang hinihiling na emergency powers sana ang magpapadali sa pagresolba sa trapiko gaya na lamang halimbawa ng mga pribadong kalsada at mga subdivision na maaaring ipagamit ng Pangulo bilang alternati­bong ruta ng mga motorista.

Sa ginanap na pagdinig kahapon sa Senado kaugnay sa provincial bus ban ay mariing iginiit ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang kahalagahan ng pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo upang maresolba ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Ang kahilingan  ni Tugade ay mahigpit namang tinututulan ni Senador Grace Poe na nagsabing hindi na kakaila­nganin pa ng emergency po­wers para lamang maresolba ang problema sa trapiko.

“There are many things that an emergency power can do to solve this problem.One instanced is the prevention of the filing of temporary restraining order before the courts” sabi ni Panelo.

“Like for instance, if there are some projects that require construction, maybe project that may help in the traffic problem. Like when you want to open some roads in some areas which residents there might not want it. There are many things that an emergency power can do to solve this problem,” paliwanag pa ng kalihim. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.