DIGONG SA DRUG WAR WALANG LEGAL NA BALAKID

WALANG  legal na balakid para sa Malakanyang kung itatalaga ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte bilang drug czar.

Sinabi ni Deputy presidential spokesman Kris Ablan, sa ngayon, wala pang pasya si Pangulong Duterte kaugnay rito.

Nasa kamay na aniya ni Pangulong Duterte ang pagpapasya kung magiging drug czar.

“There is no legal impediment for [a] former President to assume an executive position in the Executive branch. Actually, puwede nga ring tumakbo ‘no hindi lang po sa pagka-Pangulo muli. So, wala pong legal impediment diyan,” dagdag ni Ablan.

“Now, whether tatanggapin po iyan ni President Duterte, nasa kaniya na po iyan. Sa pagkaalam po namin, the President is looking forward to his retirement. Pero welcome po iyang balita na iyan dahil si President na mismo ang nagsabi na kailangan pa ring tuloy-tuloy po ang laban sa droga,” ayon pa rito.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na ipinakiusap sa kanya ng outgoing president na ipagpatuloy ang kanyang kampanya sa droga.