DIGONG TUMANGGI SA BABY BACK RIBS, NAG-ULAM NG SARDINAS

DUTERTE SARDINAS

MAS piniling ulamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sardinas sa Cabinet meeting sa Malakanyang kamakalawa.

Ibinahagi ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga larawan na kuha ni Executive Secretary Salvado Medialdea na  makikitang  sardinas ang nakalatag sa harapan ng Pangulo  sa Cabinet meeting.

Tinanggihan nito ang  inihaing baby back ribs with vegetables. “Ayaw ko n’yan. Bigyan n’yo ako ng sardinas,” ang pahayag ng Pangulo.

Ayon kay  Piñol,  patunay ito na nananatili ang pagiging mapagkumbaba ng Pangulo at hindi nito kinakalimutan ang kanyang abang pinagmulan kahit siya na ang pinakamataas na lider ng bansa.

Comments are closed.