NUEVA VIZCAYA – NABULABOG ang isang lokal na pamahalaan sa lalawigang ito nang magbuwis ng buhay ang dalawang musmos dahil sa sirang dike na biglang gumuho na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Sa ulat, nakasama sa pagguho ng isang bahagi ng dike ang magkapatid na sina Justin Yadao, 4; at Kevin Yadao, 10, ng Barangay Macate sa bayan ng Bambang ng nasabing lalawigan.
Lumitaw sa pagsisiyasat ng Bambang-PNP, base sa salaysay ni punong barangay Purificacion Tumacder na naglalaro ang magkapatid hanggang sa makarating sila sa gilid ng dike upang magtapon ng mga pinaglalaruan nilang sanga ng puno sa ilog.
Aksidenteng biglang gumuho ang bahagi ng dam na umano’y nasira ng bagyo noong 2017 at nakasama ang mga bata na nahagip ng malalaking tipak ng bato na kanilang ikinasawi. VERLIN RUIZ/IRENE GONZALES
Comments are closed.