DIKIT NA DIKIT ANG LABANAN

SA sunod na mga linggo, magiging dikit na dikit na ang laban sa panguluhan bunga ng patuloy na pagtaas ng mga numero ng pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Masayang ibinalita ni Team Isko chief campaign strategist Lito Banayo nitong Biyernes, Abril 8 na sa huling resulta ng Tangere, isang independent big data research firm, patuloy ang pagdami ng mga nais ibotong pangulo si Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kaysa ibang kandidato.

Naniniwala si Banayo, “very-very close fight” ang eleksiyon, ito ay sa pagitan nina Yorme Isko at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“It’s up to Yorme Isko to close that gap,” sabi ni Banayo sa isang mediacon sa HQs ng Team Isko sa Intramuros, Manila.

May mahigit na 600,000 respondent base sa buong bansa, napakataas ng kredibilidad ng Tangere na nagtamo ng marami nang award bilang isang malaya at hindi maiimpluwensiyahang opinion poll company.

Sa resulta ng survey ng Tangere mula Abril 4-6 na may 2,400 respondents, tumaas sa 24.21 percent ang mga numero ni Isko mula sa naitalang 22 percent sa survey noong Marso 31.

Kinumpirma ng survey (Tangere), nakadikit sa ikalawang mas gustong iboto si Yorme Isko, pinakamakapit sa nangungunang kandidato sa pagka-president.

Sa resulta, ‘second top choice of 37.58 percent’ si Yorme Isko, kasunod si Sen. Panfilo Lacson na 17.33 percent.

Rumehistro lang ng 13.75 percent si Marcos Jr. at nakasimot ng 8.75 percent si VP Leni Robredo.

Sa resulta rin, nakita na 48.4 percent ng may gusto kay Marcos Jr. ang nagsabing ‘second choice’ nila si Yorme Isko para pangulo.

Second choice din ng 53.44 percent ng kakampink ni Robredo ang mas gustong manalo si Yorme Isko, ayon sa Tangere.

o0o

Nakita rin sa survey (Tangere) na umakyat ang mga numero ni Yorme Isko mula sa 16.29 percent noong Enero 3 na pumuntos ng 16.75 percent noong Enero 18.

Nakita rin sa itinakbo ng survey na mula sa 60 percent noong Enero 3, nalaglag ang mga numero ni Marcos Jr. sa 58 percent noong Enero 18; at naging 54 percent noong Pebrero 5 at muling bumagsak sa 48 percent nitong Abril 4-6 poll.

Ayon kay Banayo, malinaw sa resulta ng survey (Tangere): lumiliit ang agwat nina BBM at Isko mula sa ‘net difference’ na 24 percentage points, kumpara sa agwat na 32 percent noong survey ng Peb. 4-5.

Nanatili sa ‘third place’ si Robredo kahit bahagyang umangat ito sa 21 percent na kinuha sa balwarte nito sa Bicol.

Magkakabuntot sa ‘third place’ sina Sen. Manny Pacquiao (3.29%) at Sen. Panfilo Lacson (2.54%).
Aniya, ang pagsirit sa itaas ng mga numero ni Yorme Isko ay patunay na sa huli, “dalawa na lang ang naglalaban,” at sila ay sina Marcos Jr. at Yorme Isko.

o0o

Hindi tunay na damdamin ng taumbayan ang resulta ng mga opinion survey na ipinalabas kamakailan.

Anila, ibang-iba ito sa napakainit na pagmamahal at pagmamalasakit ng mga tao sa maraming iniikutang kampanya ng Aksyon Demokratiko sa pangunguna ng kanilang pambatong kandidato Yorme Isko.

o0o

Sa Cebu City, sa panayam ng media kay Dynee Domagoso na personal niyang nasasaksihan ang paghanga at pagmamahal ng libo-libong tao sa kanyang asawa sa maraming dinaluhang “meet and greet”, katulad ng nangyari sa Brgy. Guadalupe sa Tinago Gym, Biyernes 8, sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sinabi pa ni Ma’am Dynee, balewala sa kanya ang resulta ng mga survey na lumabas nitong nakaraang mga linggo at idiniing hindi titigil ang kanyang pamilya sa pagbibigay ng higit pa sa makakayang suporta sa kandidatura ng kanyang 47-anyos na asawa.

“I have not been stopped from campaigning, I’ve always been supportive of my husband from Day 1, from the very beginning, even before sya tumakbong president. So tuluy tuloy lang kami kasi mas naniniwala ako kung nararamdaman nyo ‘yung init ngayon dito, ito ba ‘yung sinasabi nyong mababa sa survey? Baka ‘yung iba natatakot lang ipakita ang kanilang preference, ito na ‘yung pagkakataon na isigaw na natin kung sino talaga ang gusto natin, at ang Cebu ang unang nagpakita nyan,” sabi ni Ma’am Dynee.

Dugtong niya, “kasi mas naniniwala ako kung nararamdaman nyo ‘yung init ngayon dito, ito ba ‘yung sinasabi nyong mababa sa survey? Baka ‘yung iba natatakot lang ipakita ang kanilang preference, ito na ‘yung pagkakataon na isigaw na natin kung sino talaga ang gusto natin, at ang Cebu ang unang nagpakita nyan,” sabi ni Mrs. Domagoso sa mga reporter.

Kaysa tingnan ang mga negatibong bagay at pansinin ang mali-maling paratang sa kanyang asawa, minamabuti niyang tumingin nang positibo.

“To tell you honestly hindi kami tumitingin sa negative comments kasi I want to focus on the most positive eh. Kasi, pag lagi mong iniisip ‘yung negatibo, eh lalo mong ibinababa, huwag mong alagaan ang problema ‘di ba? Ilabas mo ‘yung sarili mo doon, welcome those who are happy, welcome those who are good vibes. I want to spread positive vibes that’s why I’m here,” paliwanag ni Ma’am Dynee.

Ayon pa sa kanya, matatag ang paninindigan ng kanyang asawa na kahit ano pa ang masamang sabihin, ipinaglalaban ang mga taong naniniwala sa kanyang prinsipyo.

o0o

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.