DIKYA: SALOT SA NAIC, CAVITE

DIKYA-1

(Special Report ni SID LUNA SAMANIEGO)

KILALA ang Naic, Cavite sa mga  naggagandahang beach resort.

Isa nga ito sa pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente nang nasabing lugar, dagdag pa nito ang masaganang pangingisda sa karagatan.

Ngunit ang pangunahing pinagkakakitaan ay nasira ng dikya o kung tawagin ng mga taga Naic ay SALABAY.

Ang Salabay ay isang itim na dikya na namemeste sa bayan ng Naic, Cavite.

Sinasabing ang laway ng dikya ang nagi­ging sanhi ng ­pangangati sa balat ng tao. Ayon sa mga eksperto ang sting ng dikya ang nakamamatay, ngunit ang sting ng mga itim na salabay ay mas madaling gamutin kaysa sa naka­ugaliang dikya.

Napabalita noon na nadikitan ng dikya ang artistang si Anne Curtis habang nasa taping sa programang kanyang pinagbibidahan na Dyesebel. Ilang litrato ni Anne ang kumalat sa Social Media, dahil sa pamumula ng kanyang balat.

Ayon sa Department of Health (DOH).  “Kasi ‘yung sting ng dikya, may venom kasi na inire-release ‘yan na tinatawag na nem-atocyst, may venom ‘yun”. Ang mga sumusunod ay ang mga paunang-lunas mula sa DOH.

Buhusan ng suka o tubig-alat ang apektadong bahagi ng katawan, Huwag banlawan ng ordinaryong tubig, Pahiran ng shaving cream, Pamalit sa sha­ving cream, Huwag banlawan ng ihi ang nadik­yang parte ng katawan.

Lubos na naapektuhan ang pangingisda ng mga residente, dahil dito humina ang kita ng mga mangingisda, na noon ay marami silang nahuhuling isda, ngunit ngayo’y sa halip na isda ay puro salabay ang sumasabit sa kanilang lambat. Daang-daan ang nahaha-kot na salabay sa araw-araw na kanilang inililibing sa ilalim ng lupa upang maiwasan ang masangsang na amoy nito. Isa rin sa naaapektuhan ang turismo ng Naic, Ca­vite. Inaasahan na lalaki ang bilang ng turista na pupunta sa mga beach resort ngayong sum-mer, ngunit taliwas nito ay ang pagbagsak ng turistang pumupunta rito dahil sa nabalitaang sa­labay sa isang beach resort sa Naic, Cavite, minarapat nila na palibutan ng net ang dalampasigan bilang pang harang para sa mga dagsaang sala­bay na kanilang ha-hakutin at ililibing sa lupa.

Ayon muli sa mga eksperto, tuwing tag-init ang mabilis na reproduksiyon ng mga dikya, may kapasidad sila na makagawa ng sarili nilang algae o kanilang pagkain. Kulay pula ang totoong kulay ng mga salabay, ngunit dahil sa tinatawag na microscopic algae o lumot kaya umiitim ang kulay nito.

Maituturing na salot ang salabay sa residente ng Naic na lubos na naapektuhan nito, ngunit lingid sa ating kaalaman na malaki rin ang naitutulong nito sa ating eco-system sa pamamagitan ng pagkain ng mga algae. Dagdag pa ng mga eksperto, namamalagi ang mga dikya sa polluted na karagatan dahil na rin sa maraming pagkukunan ng kanilang panga­ngailangan na algae.

Inaasahan ng mga residente ng Naic Ca­vite na unti-unti ring mawawala ang mga sala­bay sa darating na tag-ulan.

Comments are closed.