DILG IDINEPENSA ANG MANDATO NG PULISYA VS KATIWALIAN

DILG OFFICE

NAGHAYAG ng depensa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa direktiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na imbestigahan ang 37 munisipyo at siyudad dahil sa umano’y iregularidad sa pagpapalabas ng pondo ng bayan o mga gawaing nabahiran ng korupsiyon.

Sinabi ni DILG Spokesperson, Assistant Secretary Jonathan E. Malaya na ang Kagawaran na siyang may pangkalahatang pamamahala sa mga lokal na pamahalaan, ay may karapatan na magsagawa ng fact-finding at case build-up sa mga kaso ng korupsiyon laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Aniya, inatasan na ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año ang PNP na imbestigahan ang ­ilang lokal na pamahalaan ayon sa natanggap na mga ulat mula sa Hotline 8888 at Presidential Complaints Center na sang-ayon sa Bantay Korapsyon program na inilunsad nitong Oktubre 3 ngayong Local Government Month.

Sinabi ni Malaya, alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10973, armado ng subpoena po­wers ang hepe ng PNP at Director at Deputy Director ng CIDG.   PAULA ANTOLIN

Comments are closed.