DILG MANGANGASIWA SA CONTRACT TRACING

Rep Karlo Alexei Nograles

QUEZON CITY- ANG Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mangunguna sa contact tracing efforts laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na napagdesisyunan na ang DILG na ang mangunguna sa contact-tracing efforts na naunang ipinagkatiwala sa Office of Civil Defense (OCD).

“Kahapon po nadesisyunan po ng IATF [Inter-Agency Task Force] na ang DILG na po, sa tulong ng ating mga LGU [local government units], ang mangunguna sa contact-tracing efforts,” pahayag ni  CabSec Nograles.

Ang contact tracing ay hakbang para ma-identify ang mga taong na-exposed o naka salamuha ng mga COVID-19 patient.

Ang DILG ay inatasan na pumasok sa data-sharing agreement sa Department of Health (DOH) alinsunod sa Data Privacy Act.

Kamakailan ay inamiyendahan ng IATF ang IATF Resolution No. 22, na naunang nagtalaga sa OCD sa contact tracing efforts.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 25, ang task force “adopts a national-government-enabled, LGU-led, and people-centered response to the COVID-19 health event.”

Ayon kay Nograles, ang mga pasyenteng na-diagnose na may COVID-19 ay kailangan na ihayag ang kanilang personal information upang palakasin ang pagsisikap ng gobyerno sa paghahanap ng mga taong nagkaroon ng contact sa carriers ng nasabing sakit. VERLIN RUIZ

Comments are closed.