DAHIL na rin sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19, pinalawig pa ang lockdown sa National Police Commission (Napolcom) Center ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City.
Sa paabiso na inilabas ni Napolcom Vice Chairman at Executive Officer Vitaliano Aguirre II, nabatid na ang lockdown ay pinalawig mula nitong Lunes, Marso 22, hanggang Biyernes, Marso 26.
Layunin umano nitong bigyang-daan ang pagsasagawa pa ng contact tracing at maiwasan ang higit pang hawahan ng COVID-19 sa kanilang workplace.
Matatandaang noong Marso 17, una nang nagpatupad ng 3-day lockdown sa DILG-Napolcom Center matapos na ilang empleyado nito ang magpositibo sa virus.
Tuloy pa rin naman ang trabaho ng mga personnel ng tanggapan ngunit sa ilalim ng work-from-home status lamang.
Ang trabaho sa DILG-Napolcom Center ay inaasahang magbabalik sa Marso 29, Lunes.
EVELYN GARCIA
21613 65472Considerably, the story is in reality the greatest on this noteworthy topic. I agree along with your conclusions and will eagerly watch forward to your next updates. Saying good one will not just be sufficient, for the great clarity within your writing. I will immediately grab your rss feed to stay privy of any updates! 276869
This paragraph is in fact a good one it helps new web users, who are wishing
for blogging.