DILG OFFICIAL NAMUMULITIKA? BALAK MAG-SENADOR? O P’QUE MAYOR?

masalamin logo

ANO itong balitang balak daw tumakbong senador nitong isang DILG official?

Bilang undersecretary for operations, sa loob lamang ng ahensiya dapat nakikialam itong si Usec. Epimaco Densing II, pero sinasagasaan na niya ang mga kasamahan, lalo na ang usec for local government. Tila encroachment na ‘yan.

Paano kasi, umalingawngaw ang panggagalaiti ni Densing sa mga napaulat na mga local official na nauna pang magpabakuna kaysa sa mga healthcare worker na frontliners sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Show cause order agad ang bitaw ni Densing sa mga mayor at iba pang local officials gaya ng nangyari sa aktor na si Mark Anthony Fernandez sa Parañaque City.

Dapat daw sinusunod ng mga mayor ang priority list na itinakda ng Department of Health (DoH) bago inuna ang kanilang mga sarili at mga taong malalapit sa kanila.

Kasama sa pinananagot ni Densing sa order na kanya na ring nai-summon ay si Parañaque Mayor Edwin Olivares upang harapin ang posibleng administrative case na ipapataw sa punong lungsod. Dahil ito raw ang pumayag para mabakunahan si Fernandez at dalawa pang residente na wala sa priority list. Command responsibilty ang punto ng DILG official.

Sa kabila nito, naglabas ng pahayag ang Paranaque City Health Office na wala silang nilabag nang bakunahan nila si Fernandez, lalong-lalo na raw si Mayor Olivares na ‘di naman nagpabakuna.

Ayon kay Dra. Olga Virtucio, City Health Officer, natapos nilang bakunahan ang lahat ng kanilang healthcare workers na nagparehistro para magpabakuna at sinimulan ang mga kasunod sa listahan na mga senior citizen, mga may comorbidity at persons with disabilties (PWDs).

Paliwanag pa ni Dra. Virtucio, kabilang ang aktor sa mga may comorbidity dahil dumaan ito sa mga pagsusuri bago naaprubahan at maisama sa mga nasa quick substitution list (QSL) na iniatas din ng DoH. Nabakunahan daw ang aktor dahil na rin mayroong hindi nakapasa sa kanilang final list.

Nakahanda rin daw silang humarap sa DILG kung kinakailangan ang kanilang paliwanag.

Iba naman ang aking paliwanag dito. Si Densing ay ang nakalaban at tinalo ni Mayor Olivares sa pagka-congressman ng Parañaque City noong 2010 elections. Ginamit ng DILG official na platform lamang si Fernandez upang sirain si Mayor Olivares na ‘di naman nagpabakuna. Gayunpaman, ang aktor na mismo ang nagsabi sa mga interview na kasama siya sa mga kasunod sa listahan.

Hindi ba pamumulitika na iyan, Usec. Densing, para sa darating na halalan?

2 thoughts on “DILG OFFICIAL NAMUMULITIKA? BALAK MAG-SENADOR? O P’QUE MAYOR?”

Comments are closed.