LEYTE – WALA ng buhay nang matagpuan sa kanyang opisina ang assistant regional director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Region 8 na si Valente Bajet.
Sa report ni PNP-Region 8 Spokesperosn LCol. Ma. Bella Rentuaya, alas-12:30 ng tanghali kahapon nang madiskubre ang labi ni Bajet.
Nakita itong nakahiga sa kama sa kanyang quarters na makikita sa loob ng kanyang tanggapan.
Nakatawag pa ng doktor mula sa City Health office ng Tacloban pero idineklara itong patay. REA SARMIENTO
Comments are closed.