(DILG sa barangay officials) PAG-IIMBAK, PRESYO NG OXYGEN I-MONITOR

INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay captains na imonitor ang mga nag-iimbak at presyo ng oxygen sa kanilang mga nasasakupan upang tiyakin na hindi sinasamantala ang patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, nagpalabas din ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief Ge­neral Guillermo Eleazar sa lahat ng police units at offices na imbestigahan at maging mapagbantay laban sa ‘hoarding’ ng oxygen tanks at iba pang medical supplies.

Ang aksiyon ni Elea­zar ay makaraang manawagan si Cebu City Vice Mayor Michael Rama sa PNP at Department of Trade and Industry (DTI) na tutukan at imonitor ang hoarding oxygen tanks sa kanilang lalawigan.

Aniya,makikipag-ugnayan at makikipagtulungan ang PNP sa DTI para silipin ang sinasabing hoarding ng oxygen tanks partikular sa Cebu City.

“I have directed the Cebu City Police and the Regional Criminal Investigation and Detection Group to closely coordinate with the DTI office in the area and look into this report of hoarding,” anang Heneral.

Pinasisiyasat din ni Eleazar kung may mga nagaganap ding ‘hoarding’ ng oxygen tanks at iba pang medical supplies sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.

“Pati dito sa Metro Manila ay aalamin din natin kung may mga ganitong insidente. Ngayon natin mas kailangan ng sapat na suplay ng oxygen tanks dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases dahil na rin sa mas nakahahawang Delta variant,” ani Eleazar.

“Hindi biro ang sitwasyon natin ngayon. Mga buhay ang nakasalalay sa sapat na suplay ng oxygen tanks.

Mas kailangan natin ngayon ang pagkakaisa para pagtulungang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa,”dagdag pa ng PNP chief. EVELYN GARCIA

73 thoughts on “(DILG sa barangay officials) PAG-IIMBAK, PRESYO NG OXYGEN I-MONITOR”

  1. 426822 396214For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this quite flowing normally requires eleven liters concerning gasoline to. dc free of charge mommy weblog giveaways family trip home gardening home power wash baby laundry detergent 805845

  2. 172634 82351Hi, you used to write excellent articles, but the last several posts have been kinda boring I miss your super writing. Past several posts are just a bit out of track! 118667

  3. 12940 556545Im often to blogging and i in actual fact respect your content material. The piece has actually peaks my interest. Im going to bookmark your content material and preserve checking for brand new information. 19584

Comments are closed.