INATASAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon.
Ang kautusan ni Abalos, ay bilang suporta sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 3 na nag-aalis na ng mandatory face mask use sa outdoor settings o sa mga lugar na may magandang bentilasyon.
“The Department is 100% behind President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. in the implementation of EO 3 on voluntary face mask use outdoors. But while the face mask policy has been made optional in the outdoors, the use of face masks in indoor public and private establishments and in public conveyances shall continue to be enforced, especially now that cases are on the uptick,” pahayag ni Abalos.
Sinabi ng kalihim na dapat na pangunahan ng LGUs ang pagtiyak na tumatalima ang mga mamamayan sa indoor at public transport face mask rule sa kani-kanilang nasasakupan.
Inatasan na rin umano ni Abalos ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang LGUs sa pagtiyak na ang indoor at public transport face mask rule ay nasusunod ng publiko.
“LGUs and the PNP should coordinate closely in ensuring that the public continues to wear face masks indoors and in public transportation. We are still in the middle of the pandemic and we cannot let our guards down,” anang kalihim.
Hinikayat din ng DILG chief ang high-risk individuals, o ang senior citizens, immunocompromised at mga hindi pa fully vaccinated, na magsuot pa rin ng face mask at obserbahan ang physical distancing sa lahat ng pagkakataon. EVELYN GARCIA