(DILG sa LGUs) OPERASYON NG POGO SA KANILANG LUGAR BANTAYAN

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga Local Chief Executive na bantayan ang kanilang lugar laban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Sa kanyang kautusan, inobliga ni Remulla ang mga LGU na regular na inspeksyunin ang mga business establishment para matiyak na walang clandestine operations ng POGO.

Inatasan din ang mga LGU na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa mga nakatagong operasyon ng POGO.

Inobliga rin sila ng kalihim na magsumite ng “No Pogo Certificate” ngayong katapusan ng buwan.

Noong Enero 8, nasa 400 illegal alien na umano’y sangkot sa online scam operations na katulad ng sa POGO ang nahuli ng Bureau of Immigration (BI) sa Barangay Tambo, Pa­rañaque City.

Hiningan na ng paliwanag ng DILG ang Pa­rañaque City LGU hinggil sa presensya ng ni-raid na umano’y POGO-like company.

EVELYN GARCIA