(DILG sa pantry organizers) MAKIPAG-UGNAYAN SA LGUs, PNP PARA SA CROWD CONTROL

PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga orga­nizer ng community pantry sa bansa na makipag-ugnayan sa barangay, local government units (LGUs), at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak na maoobserbahan ang health at safety protocols sa pamamahagi nila ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Ang pahayag ay ginawa ni DILG Secretary Eduardo Año matapos na maalarma sa insidente nang pagkamatay ng isang lolo na maagang pumila sa community pantry na itinayo ng aktres na si Angel Locsin sa Brgy. Holy Spi­rit, sa Quezon City, upang makakuha ng pagkain ng kanilang pamilya.

Ayon kay Año, dapat na makipag-ugnayan ang mga organizer sa barangay, Quezon City Government, at sa PNP upang nagkaroon ng crowd control sa community pantry at matiyak na walang mass ga­thering na magaganap.

“It’s the organizer’s responsibility to impose the minimum health stan­dards. That’s the primary reason why they have to coordinate with the LGUs local government units so that the latter can provide assistance,” paliwanag ng kalihim.

Tiniyak rin naman ni Año na handa ang barangay, LGUs, at PNP na magkaloob ng tulong sa lahat ng pagkakataon.

Gayundin, binigyang-diin ng kalihim na suportado ng ahensiya at hinihikayat ang mga community pantries sa bansa.

Subalit, aniya dapat tumalima ang mga organizer nito sa mga umiiral na batas ang mga ordinansa, partikular na yaong inilabas para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“The PNP and/or local officials may just come in if there is any violation of law, if there are complaints from the community, or if the organizers seek their help. The LGUs, barangays and the PNP are ready to provide utmost assistance to ensure orderly distribution to the public,” dagdag pa ng kalihim.
EVELYN GARCIA

3 thoughts on “(DILG sa pantry organizers) MAKIPAG-UGNAYAN SA LGUs, PNP PARA SA CROWD CONTROL”

  1. Hi there, just became aware of your blog through Google, and found that
    it’s truly informative. I am gonna watch out for brussels.

    I will appreciate if you continue this in future. Lots of people will be benefited from your writing.

    Cheers!

Comments are closed.