DILG SA PUBLIKO: MAG-FACEMASK SA LOOB NG BAHAY!

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na magsuot ng facemask maging sa loob ng kanilang mga tahanan upang makaiwas sa COVID-19.

Ang panawagan ay ginawa ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang online briefing, matapos na makapagtala ang mga Metro Manila hospital ng clustering ng COVID-19 sa mga magkakapamilya o family clustering.

Ayon kay Malaya, ganito rin ang naging mungkahi dati ni Interior Secretary Eduardo Año noong Agosto ng nakaraang taon matapos na naging mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases.

Sinabi ni Malaya na nabatikos pa nga si Año dahil sa mungkahing ito ngunit vindicated naman aniya ito.
Iginiit pa niya na talagang kailangan itong gawin ngayon ng mga mamamayan lalo na kung galing sa labas ng bahay at hindi tiyak kung nakapag-uwi ng virus o hindi.

“We really need to do that. Especially kung galing ka sa labas, hindi ka naman sigurado, mag-facemask ka na lang para hindi mo mahawaan ang iyong mga kapamilya,” ani Malaya.

Paglilinaw naman ng DILG official, maaari lamang gawin ng DILG ay manawagan sa publiko na obserbahan pa rin ang minimum public health standards kahit nasa loob ng kani-kanilang tahanan dahil hindi naman nila ito maaaring hulihin doon. EVELYN GARCIA

One thought on “DILG SA PUBLIKO: MAG-FACEMASK SA LOOB NG BAHAY!”

  1. It’s perfect time to make some plans for the longer term and it is
    time to be happy. I have read this post and if I may I desire to recommend you some interesting
    issues or suggestions. Perhaps you could write next
    articles regarding this article. I want to read more things about it!

Comments are closed.