INILANTAD ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na siya man ay kabilang sa mga target na likidahin ng urban hit squad ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nitong New People’s Army.
Kasabay ito ng kumpirmasyon ni SILG Secretary Año na bahagi ng CPP-NPA Partisan Unit o SPARU death squad ang limang miyembro ng CPP-NPA-NDF na napaslang ng mga tauhan ng Philippine Army 2nd Infantry Division at Rizal PNP sa Barangay San Juan, Baras, Rizal noong nakaraang buwan.
Magugunitang napatay ang limang hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan na sinasabing kasapi ng partisanong yunit ng CPP-NPA na idineploy sa bahagi ng Southern Luzon matapos ang isang shootout.
Target umano ng urban hit squad na likidahin ang mga top national and local government leaders, kabilang ang mga police and military officers dahil sa sinasabing utang na dugo sa bayan.
Itinuturing na tagumpay ng kalihim ang pag- neutralize sa limang NPA members, dahil nagawa nilang pigilan ang anumang masamang balak ng teroristang grupo.
Paliwanag pa ng kalihim na layunin ng utos ni Jose Maria Sison na mag -deploy ng mga partisan sa kalunsuran na iparamdam ang kanilang terroristic activities sa mga siyudad sa bansa ng sa gayon kanilang maipakita na kaya pa rin nilang lumikha ng kaguluhan at makipaglaban sa pamahalaan.
“This latest move of Joma Sison is a desperate move driven by the fact that they are losing their ground. Higit sa lahat, ito ay excuse lamang para lalo silang makapanggulo in their pathetic attempt to overthrow one of the most popular governments in the world,” ani Sec Año.
Magugunitang dekada 80 nagpakalat ang CPP-NPA-NDF ng kanilang tinaguriang “sparrow unit” sa mga urban centers at nilikida ang maraming pulis, military officers, kabilang si JUSMAG commander James Row at mga civilian sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo at iba pang lugar.
Ang mga ginagawang pagpatay ng liquidation squad ng NPA ay malinaw na extra judicial killings.
Inihayag din ng kalihim na plano talaga ng NPA assassination unit na magtalaga ng terrorist cell sa probinsiya ng Rizal kung saan sakop nito ang kanilang southern Luzon operations, isang lokasyon na mas malapit sila sa Metro Manila.
Kabilang sa mga naaresto ng mga awtoridad ang isang alias Sandra, miyembro ng Rebolusyonaryong Buwis sa kaaway na Uri at asawa ni alias Luis, kasapi ng SRMA 4A’s RBKU at Secretary Guerilla Front Cesar, isang alias Onli, regional intelligence officer.
Panawagan ni Ano, na sumuko na sa pamahalaan ang mga miyembro NPA, bago pa maging huli ang lahat. VERLIN RUIZ
Comments are closed.