DILG: WALANG TRAVEL BAN (Sa mga bansang may bagong COVID-19 strain)

DILG Secretary Eduardo Año-3

HINDI pa ipinagbabawal ng Filipinas ang biyahe mula sa ibang bansa na may bagong COVID-19 strain na natuklasan sa UK, maliban na lamang kung mayroon nang ‘community transmission’ doon.

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na bago ikonsidera ang pagpapatupad ng ‘travel ban’ sa isang bansa ay dapat mayroon munang community transmission at kung talagang hindi nila makontrol ang naturang hawaan ng virus.

“Bago mo i-consider ang isang bansa na iba-ban natin, kapag talagang meron na dung tinatawag nating community transmission. Kapag sila mismo ‘di makontrol ang community transmission,” ayon kay Año.

Matatandaang simula Disyembre 24, sinuspinde na ng Maynila ang mga biyaheng mula sa UK kung saan sinasabing nakita ang bagong strain ng COVID-19. Nakatakda sana itong magtapos sa Disyembre 31 ngunit nagpasya ang pamahalaan na palawigin pa ito sa loob ng dalawa pang linggo.

Nagpapatupad din ito ng 14-day mandatory quarantine para sa mga biyaherong dumating sa bansa bago pa man naipatupad ang ban, kasama ang mga mula sa mga bansang nakapagtala ng bagong COVID-19 strain.

Kabilang naman sa mga bansang napaulat na nakapagtala ng bagong COVID-19 strain mula sa UK, ay Japan, France, Ireland at Singapore.

Samantala, sinabi rin ni Año na hindi pa niya masabi kung magpapatupad ng bagong lockdown sa bansa,  pero iginiit na maging siya ay tutol din dito.

“Di pa naman masasabi na magla-lockdown tayo kasi ako naman ay ‘di rin ako sang-ayon na mag-lockdown tayo. Kailangan dito, bantayan natin ang border at ipatupad natin ang health protocols at wala namang laban ang virus na ‘yan ‘pag ikaw ay nag-iingat at naka-mask,” pahayag pa ni Año.

Nanindigan pa si Año na ang kailangan ngayon ay bantayang maigi ang mga border ng bansa at ipatupad ang health protocols upang maiwasan ang hawahan ng virus at aniya, walang laban ang virus kung ang lahat ng tao ay naka-mask at nag-iingat.

“Pinakatalagang depensa natin dito, ‘wag tayo mag-relax, sumunod tayo sa pag-uutos. Wala munang get-together, reunion, festivities…para sigurado na maitawid natin ito,” dagdag pa ng kalihim. EVELYN GARCIA 

TF COVID NAGPASAKLOLO SA MILITAR  VS BAGONG STRAIN NG COVID

Nagpasaklolo na sa militar ang National Task Force Against COVID-19 upang mapigilang makapasok sa bansa ang bagong strain ng coronavirus disease.

Ito’y makaraang makipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan ng Sulu sa Inter-Agency Task Force (IATF) matapos matukoy na pinasok na rin ng nasabing virus ang kalapit nitong isla ng Sabah sa bansang Malaysia.

Ayon kay National Task Force Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, pinakikilos na rin nila ang response team ng pamahalaan upang bantayan ang mga paliparan na posibleng maging daan upang makalusot ang virus.

Sa ipinatawag na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, iminungkahi naman ni Defense Secretary  Delfin Lorenzana na harangin muna ang boarder ng Filipinas sa Sabah upang masala ang mga naglalabas masok na mga Filipinoilipino rito.

9 thoughts on “DILG: WALANG TRAVEL BAN (Sa mga bansang may bagong COVID-19 strain)”

  1. I’m really impressed with your writing skills and
    also with the layout on your blog. Is this a paid theme or did you customize it yourself?
    Either way keep up the nice quality writing, it’s rare to see
    a nice blog like this one these days.

    Look at my page try this out

  2. I loved as much as you’ll receive carried out right here.
    The sketch is attractive, your authored subject matter stylish.
    nonetheless, you command get bought an impatience
    over that you wish be delivering the following. unwell unquestionably
    come further formerly again since exactly the same nearly very often inside case you shield this increase.

    my homepage: hop over to these guys

  3. Hello would you mind sharing which blog platform
    you’re working with? I’m looking to start my own blog in the near future but I’m having a
    hard time deciding between BlogEngine/Wordpress/B2evolution and Drupal.
    The reason I ask is because your design seems different then most blogs
    and I’m looking for something unique.
    P.S Apologies for getting off-topic but I had to ask!

    Also visit my web site: visit the website

  4. It’s a pity you don’t have a donate button! I’d definitely donate to this excellent blog!
    I guess for now i’ll settle for book-marking and adding
    your RSS feed to my Google account. I look forward to
    brand new updates and will talk about this site with my Facebook
    group. Chat soon!

    Check out my web site :: best health insurance

Comments are closed.