AMINADO ang magaling at award-winning actress na si Dina Bonnevie na nagkaroon sila ng away noon ng kanyang estranged husband na si Vic Sotto dahil kay Coney Reyes.
Dati silang magkaibigan ni Coney na nasira ang friendship dahil sa isang lalake. Pero, naniniwala siya na ang lahat ng sugat ay nagagamot sa pag-daan ng panahon.
Eventually, dahil na rin daw sa tulong ng Panginoong Diyos, naibalik ang friendship nila.
Si Coney din ang naging dahilan para mas lumalim pa ang pagiging Kristiyano niya.
Ngayon daw, anumang namagitang sigalot sa kanila ni Coney sa nakaraan ay tapos na.
Katunayan, sobrang bilib siya kay Coney dahil sa naging pagpapalaki nito kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
“Tapos na ‘yon and we’re good friends. All I can say is I admire her. I admire the way she raised her son, Vico. I admire the boy, he’s very intelligent,” aniya. “And I admire the way she really changed her life. Like now, she’s devoted her life to the Lord. I mean, nagsu-showbiz siya pero kumbaga, she stands firm on her ground na I’m a Christian and these are my beliefs, ganu’n. Basta, proud na proud ako sa kanya na naitaguyod niya si Vico kahit nag-iisa lang siya. And hindi lang ‘yon, she doesn’t stop. She continues to speak in church, nagte-testimonial siya, she shares her experiences,” dugtong niya.
Naniniwala rin siyang kung anumang nangyari sa kanila noon ay paraan ng Diyos para ma-test ang kanilang katatagan.
“Feeling ko, ‘yung nangyari sa amin, it’s because God is going to use us in wonderful ways, in great ways, maybe to help other women. I’m sure,” sabi niya.
Happy rin siya dahil maganda na ang relasyon niya at maging ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo sa kanilang half-brother at half-sister na sina Vico at Paulina.
“Before siyempre, ang mga anak ko, ayaw rin nila sa half-brother and sister nila but God changes your heart when you become a Christian. So, tinanggap nila ‘yung mga kapatid nila and now, they’re like one big family,” pagbabahagi niya.
Si Dina ay kasama sa Kapuso teleseryeng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.
Ginagampanan niya ang role ni Biday samantalang ang kanyang co-Underage star noon na si Snooky ang gagampan sa papel na Waray.
Comments are closed.