MINSAN na palang namatay ang aktres na si Dina Bonnevie at nadeklarang “clinically dead” ng mahigit isang minuto, ngunit swerteng naka-recover at nabuhay uli.
Ngayong 62 years old na si Dina, iniaalay na lamang niya ang kanyang sarili sa Diyos dahil kung tutuusin, regalo na raw lamang ang muli niyang pagkabuhay matapos madeklarang patay na.
Bata pa raw siya noon – 23 years old. Na-over-fatigue daw siya kaya nawalan ng malay at dinala sa ospital. Matindi raw kasi noon ang pressure sa kanyang trabaho, marriage, at health. Sabay-sabay raw kasi ang kanyang pelikula kaya sobrang dami ng dubbing at promoting.
Nung himatayin umano siya ay naroon siya sa taping ng variety show ni Alma Moreno na Lovely Ness. May dance number daw sila at gumamit pa ng smoke machine na nagkataong allergic siya. Pagkatapos ng performance, nahilo siya at nahirapan sa paghinga kaya bumagsak siya at itinakbo sa ospital.
Habang nire-revive raw si Dina, gising naman ang kanyang diwa pero Nawala ang ingay. Wala na rin siyang naramdaman. Kaya tumayo raw siya mula sa hospital bed at nakita at Nakita niya ang kapatid na nakatingin sa electrocardiogram (ECG/EKG) monitor. Sinabihan daw ni Dina ang kapatid na gusto na niyang umuwi pero wala itong response.Nang mapasulyap raw siya sa kama, nakita niya kanyang sariling may silver cord na nakadikit sa pusod. Bigla raw umiyak ang kanyang kapatid dahil nag-flatline ang ECG/EKG monitor.
Syempre, natakot raw si Dina. Bigla raw siyang pumasok sa mahabang-mahabang roller coaster ride na napakadilim at pagkatapos ay bigla itong tumigil. Lumabas raw siya at may narinig siyang music na hindi niya ma-describe, pero nakaramdam daw siya pure peacefulness at calmness.
May narinig daw siyang boses at tinatanong siya kung gusto na niyang sumama at yes ang isinagot niya. Pero naalala raw niya si Danica, at doon na siya nagising.
Mula raw noon, inaral niya ang Buddhism, Taoism, Hinduism, Quran, at New Age. Sa huli, naging Christian siya dahil ito ang nakasagot sa mga katanungan niya. Alam daw niyang nabubuhay tayo sa mundo dahil may purpose tayo.RLVN