Proud grandma talaga si Dina Bonnevie habang karga ang latest apo na si Baby Isaiah Timothy Sotto, sixth child ng celebrity couple na sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa.
Thursday morning, ipinakilala ni Oyo sa social media ang kasisilang pa lamang na si Isaiah Timothy. Aniya, “A testimony of God’s faithfulness… You deserve all praise and glory, Lord Jesus Christ! Isaiah Timothy, 9.3.24.”
Kasama sa post ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Ondrea Bliss habang karga ang kanyang bunsong baby brother.
Sa sobrang tuwa namang ni Dina na may additional member na naman sa kanyang pamilya, nag-post din siya ng kanyang sentiments.
Aniya, “And just like that I am a happy grandma for the 9th time. [smiley and red heart emoji].”
“Thank you, Lord, for granting a safe delivery for Tin and for bringing another healthy grandchild (Isaiah Timothy) into our family. To God be the glory! [folded hands emojis]”
Dagdag pa ni Dina, wala raw siyang pagsidlan ng tuwa, at ipinagmamalaki niyang 9 na ang kanyang apo — tatlo kay Danica at anim kay Oyo.
Thankful din umano siya kay Tin dahil hindi lamang ito maganda kundi mabait at mapagmahal na ina at asawa rin.
“Natatandaan ko pa nga noong nagpaalam si Oyo na magpapakasal sila ni Tin,” pagre-reminisce ni Dina. “Sabi ko, ‘bakit si Kristine?’ Sagot ni Oyo: ‘Nakakahiya kasi sa’yo. Ang ganda-ganda mo kaya dapat, mas maganda sa’yo o singganda mo ang magiging asawa ko.’ I think, Tin is really a great choice. Hindi ko pa sila nakitang nag-away ng matindi. Yung ibang celebrity couples, kakakasal pa lang, naghiwalay na, pero sila, nakaanim na anak na.”
Naniniwala raw siyang magsasama sina Oyo at Tin hanggang sa kanilang pagtanda dahil ginagabayan sila ng Diyos.
RLVN